KABANATA 33

2.8K 48 6
                                    

KABANATA 33

Never



Kwentuhan lang sila ng kwentuhan tungkol sa pagbaballet ni Cathy. Kinukwento niya din sa amin yong mga kapatid niya at panay naman ang pagtawa ni Enrique sa kwento ni Cathy. Tila aliw na aliw sa bata.

Hindi na namin nakausap sila kuya Timothy dahil mukhang busy sila sa baby nila. Kakauwi lang daw kagabi ng daddy niya galing hospital. Tsaka ko nalang kakausapin sila kapag may oras na. Si Cathy naman nagpaalam sa amin na maglalaro muna siya sa labas kasama ang kuya Gabby niya.

"They're so blessed. Gusto ko na din magkaroon ng little Zach and little Lyka." He said while laughing.

Napatitig lang ako sa kanya. I know that he is serious. Minsan lang magsasalita yan tungkol sa future niya. Maloko yan pero pagdating sa mga ganyang bagay hindi magagawang magloko niyan.

"Q-quen."

"As much as I want to propose and ask you to settle down, again... I can't. I don't want to be selfish anymore. Alam ko naman na sa ngayon least priority mo ang magpakasal at magsettle."

Hinalikan sa noo ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang panghihinayang at lungkot.

He's right. As much as I want to settle with him, hindi pwede dahil marami pa akong kailangan intindihin.

"Don't worry. I am willing to wait for you. I will support and help you to achieve your dreams."

Tahimik lang kami habang magkayakap. Ganito talaga kaming dalawa kuntento na kahit hindi nag-uusap. Nagkakaintindihan na kaming dalawa. Ganito ata talaga kapag nagmamahalan. Magkakaintindihan na nang nararamdaman kahit hindi mag-usap.

"Aalis pala kaming mga lalaki bukas ng maaga. Baka kasi hanapin mo ko, mga hapon pa balik namin."

"Bukas? Di ba hanggang umaga nalang tayo dito? Tsaka anong gagawin niyo? Bakit kayo-kayo lang at hindi kami kasama?" Nagtataka kong tanong.

Kanina kasi sabi ni Jerome hanggang bukas nalang kami ngbimaga dito at babalik na kami ng manila. Nagsabi pa naman ako kay Clarence na maaga akong papasok kinabukasan dahil maaga naman kami uuwi bukas.

"Nope. Nagpaextend kami pero hanggang hapon lang. Aakyatin namin yong bundok don sa likod nitong isla. Pagbalik namin ng hapon tsaka tayo uuwi. Mga hating gabi na siguro tayo makakauwi ng Manila."

"Bakit kayo lang? Bakit hindi kami kasama?"

Lagi nalang silang ganyan. Nagsosolong mga lalaki, akala nila hindi namin kaya yong ginagawa nila.

"Kami nalang para mas mabilis. Tsaka malamok, makati don. Ayaw namin makarinig ng pagrereklamo niyo--- aray!" Kaagad ko siya piningot sa tenga.

"Ah ganyanan tayo?!" Napasigaw ako sa kanya tapos napalayo sa yakap niya.

Minamaliit ata ako ng lalaking to e. Garapal kung magsalita. Talagang sinabing maarte kaming mga abbae. Walang paligoy-ligoy.

"Totoo naman e. Basta kami-kami lang ang aakyat tsaka isa pa hindi ka pwedeng sumama kasi hihingalin ka baka magkahika ka pa. Wag na matigas ulo, Honey." Magpoprotesta pa sana ako kaya lang bigla niya akong hinalikan sa labi.

"Kami nalang boys, okay? Babalik din kami agad. Paggising mo nasa tabi mo na ko."

Hinila na niya ako patayo tapos hinalikan sa ulo. Napanguso nalang ako tapos bumalik na kami sa barkada. Wala na akong palag kasi kondisyon ko na inaalala niya e.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon