KABANATA 19

2.5K 46 4
                                    

KABANATA 19

Girlfriend



"Si Ayessa pa tinanong niyo. Napakagulo ng utak niyan..." sabi ni Thali habang kinakain niya yong salad niya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya. She's quite harsh pero nasanay na ako sa kanya. Kung hindi ko bestfriend si Summer malamang si Thalia ang naging bestfriend. Kilalang-kilala niya ang pagkatao. Alam na alam niya kung anong pasikot-sikot sa buhol-buhol kong utak.

"You're quite mean. Apologize---" Charm said but then I cut her.

"It's okay. She's right." Pagdedepensa ko kay Thalia at nginitian naman ako ni Thalia.

"I don't know if i will stay here for good. Maybe I'll just stay her for few months, years or maybe not."

"If you'll not stay here, what about your restaurant?" biglang tanong ni Thalia.

"And your ballet studio..." Dugtong ni Enrique

Nakita kong napatigil sa pagkain sa Cyrille at seryosong napatingin sa reaksyon ko. Napangiti lang ako at nakita kong naguguluhan na sila sa akin base sa mga reaksyon ng mukha nila.

"Binitiwan ko na yong studio. Hindi ko na kayang i-manage." Napasinghap silang lahat sa siniwalat ko maliban lang kay Cyrille.

"Maybe I'll also give up my restaurant or maybe not. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko." sabi ko at lahat kami napabuntong hininga.

"For fucking sake be serious about your life. You're not a child anymore. You're already 27 years old. Grow up and get a life, Ayessa!" narinig kong sabi ni Quen. Napatingin ako sa kanya.

"I'm trying..." sabi ko at napuno ng katahimikan ang buong lugar.

Madaling magsalita para sa part niya. Maging seryoso ako sa buhay ko? Sinusubukan ko naman. Akala niya kasi madaling mabuhay bilang ako.

Kaya niya nasasabi yong mga ganoong bagay kasi hindi niya alam kung anong mga pinagdadaanan ko ngayon.

Siya vice-president na ng company nila samantalang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Hawak niya yong buhay niya noon samantalang ako hindi ko nahawak yong buhay ko. Ngayon ko pa lang mahahawakan. Ngayon palang ako magsisimula sa buhay ko.

What I've said a while ago was a lie. Alam ko naman yong gusto kong mangyari sa buhay ko. Simula noong umalis kami papunta sa USA para sa SAB alam ko na sa sarili ko na gusto kong maging ballerina.

Noon pa man tinatak ko na sa puso't isipan ko na isang araw magiging magaling at sikat na ballerina rin ako. Hindi ko lang naintindihan kung bakit kinailangan kong tumigil sa pagsasayaw.

Pagkatapos kong bumagsak sa final audition ko sa SAB ay binuhos ko pa rin nang husto yong atensyo ko sa pagsasayaw. Dugo, pawis, pagod at pagpupursigi ang binuhos ko para maging mahusay akong mananayaw.

Kaya lang isang araw nabaliwala lahat ng pinaghirapan ko dahil pinatigil ako ni mommy. Imbis na sa pagsasayaw ako magfocus, sa pag-aaral ng business niya ako pinagfocus.

Hindi ko alam yong dahilan kung bakit niya ko pinatigil noon. Pero dahil matigas ang ulo ko, habang nag-aaral noon sa college ay madalas tumatakas ako sa kanya at palihim na nagbaballet.

Masayang masaya ako kapag nagsasayaw ako at hindi niya maintindihan yong kasiyahan na nararamdaman ko.

Siya yong nagtulak sa akin para mag-audition sa SAB pero pagkatapos kong bumagsak sa final audition never na niya kong pinasayaw ulit.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon