KABANATA 29

2.6K 57 11
                                    

KABANATA 29

Exultant



"No, I am not." Mabilis kong tanggi sa kanya.

"Alam mong hindi pwedeng pagsamahin yang dalawa. Ayessa and Complicated things?! no way!" Dagdag ko sa kanya.

"Then kung ayaw mong maging komplikado lahat. Sabihin mo sa kanya habang maaga pa. Sabihin mo sa kanya na kailangan mong bumalik ng Paris dahil kailangan mong magpaopera ng tenga. Ano bang mahirap don?"

"Wala na bang ibang paraan?" Hopeless na sabi ko sa kanya.

"There's no other option. You have to do the operation ASAP. It's either ipaalam mo kay Quen yong kalagayan mo tapos pwede ka niyang samahan sa Paris----"

"Or hindi niya ko papayagan na umalis kasi kalokohan lang daw yong sinasabi ko at sasabihan niya ko na kating-kati talaga ko na iwanan siya." Sabi ko habang nagsasalita siya at napapailing lang siya sa akin.

"Or iiwanan mo ulit siya sa ere para lang makapagpaopera. You choose? Iiwanan mo siya na alam niya kung anong dahilan or iiwanan mo ulit siya ng walang dahilan?" Natahimik ako sa sinabi niya.

"You're running out of time. Don't make this complicated, Ayessa. You two just need to have heart to heart talk. Trust each other. Yon lang ang kailangan niyong dalawa. Mahal niyo naman yong isa't isa, e." He said at napatango lang ako.

"Balik muna ko don."

Hindi ko na hinintay yong sasabihin niya. I need to think for a strategy. He's right, I'm running out of time. Kailangan ko talagang makabalik ng Paris as soon as possible.

At hindi ako aalis ng Pilipinas na hindi kasama si Enrique or hindi niya alam kung bakit kailangan kong umalis. Ayokong maramdaman niya na iniwanan ko na naman siya sa ere dahil hindi siya mahalaga sa akin.

Habang papalapit sa bahay ay nakita ko si Charm na nakahiga sa may duyan. Pero kaagad din siyang pumasok ng bahay at ni hindi man lang ako nginitian.

Tumunog ang phone ko at ayon nalang ang inintindi kaysa sa nangyari kanina. Nakita kong international call ito at hindi na nag-alangan na sagutin ito. I know who's this...

"Sean." Bungad na bati ko sa kanya.

Dumiretso ako malapit sa dagat at sumilong sa isang puno ng buko kahit na mainit. May lilim naman kahit papaano at isa pa mas gustong mapag-isa ngayon para mas makapag-isip ako ng maayos.

"What's up? Bumalik ka ng Nevada?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, may nangyari lang kaya kailangan kong bumalik ulit. Babalik din ako soon kaya magfocus ka muna sa ballet mo. Next month pa siguro ang balik ko." Sabi niya at halata sa boses niya ang pagod.

"Naku, mamimiss ka ng mga babae mo dito! Mamimiss ka ni isabella. Haha!" pang-aasar ko sa kanya pero nakarinig lang ako ng malutong na mura galing sa kanya.

"Hindi ako mamimiss non." May lungkot sa boses niya kaya naman naintriga ako.

"Bakit? Di ba nililigawan mo yon? O kayo na? Anong nangyari?" Nanatili siyang tahimik sa kabilang linya at muntik ko pa ngang inakala na binabaan niya na ako ng tawag kung hindi ko lang sinilip yong screen ko.

"Naging kayo ba? Hindi ka sinagot kasi babaero ka?"

"Hindi ako babaero. H'wag na nga nating pag-usapan iyon. Tsk!" Inis na sagot niya.

Kahit kailan napakapikon. Totoo naman na babaero siya. Gwapo, mayaman, matalino, lahat ng gugustuhin ng isang babae. Ayon nga lang babaero kaya walang nagtatagal na babae sa kanya. Madali kasing magsawa.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon