KABANATA 15

2.6K 37 0
                                    

KABANATA 15

Importante



"You're 25 minutes late and what do you expect from me? That I will wait for you?" Halos mapasinghap ako sa sinabi niya pero pinigilan kong magbigay ng reaksyon sa sasabihin niya.

"I can wait... But not forever miss. May buhay din ako Ayessa. Hindi habang buhay pwede kitang hintayin. I can't... Hindi habambuhay pwede kong pakinggan yong mga dahilan mo."

Nangigil ako sa narining ko. Ginagawa niyang personal ang pagkalate ko. Fine, he can't wait for me then pero ilabas niya ang usapin tungkol sa punyetang relasyon namin.

"You know that I hate wasting my time. At ayokong nasasayang yong oras ko sa mga walang kwentang bagay." pagkasabi niya non, sandali niya akong tinitigan bago niya ako ulit tinalikuran.

Mabilis kong hinawakan yong braso niya kaya napaharap na naman siya at kitang kita kong naiinis na siya sa akin.

"Basahin mo muna yong proposal kapag hindi mo nagustuhan tsaka ka umalis. Celestine will love this proposal, I swear." sabi ko sa kanya at nakita ko naman na umamo yong expression niya kaya kahit papaano napahinga ako ng maluwag.

"May mga pinag-usapan ba kayo tungkol sa event ni Mica like anong balloons yong gagamitin tsaka giveaways para sa party or ikaw lang nagbigay ng info sa kanya? Anong mga pinag-usapan niyo?" tanong ko sa kanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"A lot." matipid niyang sabi at kaagad na hinablot sa kamay ko yong folder.

Pinigilan kong mapairap sa ginawa niya. Napakaantipatiko ng lalaking to. Wala pa din pinagbago. Naupo ulit siya sa upuan niya at binasa yong proposal ko.

Pangiti-ngiti pa ako dahil alam kong ayon yong mga gusto ni Celestine. Celestine is the daughter of Ate Savannah and kuya Greg.

Ate Savannah ang kapatid ng bestfriend kong si Summer. Si kuya Greg naman ay close cousin ni Enrique. Close kami ni Celestine sa dami ba naman ng connection naming dalawa and she's really fond of me.

Idol niya nga daw ako lalong lalo na sa pagbaballet. Kaya for sure, magugustuhan niya ang gagawin kong party.

Habang tahimik niyang binabasa yong proposal ko napansin kong napapakunot yong noo niya at para bang nag-iiba na yong timpla ng mukha niya. Kung kanina para siyang yelo dahil walang kaemo-emosyon, ngayon halos mamula na yong mukha niya na kulang nalang mangain siya ng buhay.

"Ayan yong proposal ko para sa birthday ni Celestine. May konti akong binago---

"Konti? E halos lahat nga binago mo?!" sigaw niya at napatingin yong ibang tao sa amin. Napapikit nalang ako dahil nakakatakot siya.

"Who gave you permission to change the information here?!" matapang niya tanong sa akin habang nakataas yong folder.

Nabigla ako sa sinabi niya pero kaagad din naman akong nahimasmasan. Nabubwisit na ko sa lalaking to. Ni hindi man lang ako tignan.

Kung makaasta akala mo wala kaming pinagsamahan. Kung umasta, parang hindi niya ako kaibigan. Kung umasta parang utusan niya ako at hindi niya ako kilala.

"Naisip ko lang palitan. Hindi naman kasi gusto ni Celestine yong nakalagay na details---"

"You know what, you don't have the right to change any information that I gave to Mica." Pagsabat niya sa sasabihin ko kaya naman nainis na talaga ako.

"Excuse me, may karapatan akong pakialaman yong proposal kasi kilala ko yong client ko at alam ko kung anong gusto at hindi ni Celestine. Like for example, favorite niya yong Beauty and the beast at hindi si Sleeping Beauty so hindi yon ang magiging theme ng party kasi ayaw ni Celestine kay Aurora. Favorite color niya ay yellow at hindi pink—"

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon