KABANATA 44

961 21 0
                                    

KABANATA 44

Proud



"Bakit ngayon ka lang? Sabi mo uuwi ka kaagad."

Unti-unti niya akong pinaharap sa kanya habang nakayakap pa rin sa bewang ko. Bahagya siyang lumayo para pagmasdan yong mukha ko.

Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at inipit ito sa likod ng tenga ko. Hinaplos niya ang aking pisngi at marahan na pinisil ito.

Umiwas ako ng tingin dahil sa malalim na pagtitig niya. Napatawa siya ng mahina dahil sa ginawa ko. Maamoy ko lang siya o yakapin niya lang ako ay unti-unting natutunaw ang galit ko sa kanya.

"I'm really sorry. Kung alam ko lang na may ganitong surprise ka ay nagcancel na talaga ako ng meeting kanina."

Napanguso nalang ako at hindi na umimik. Fine, ako na ang may kasalanan. Kung sinabi ko lang sa kanyang may hinanda akong dinner para sa kanya ay malamang umuwi nga siya kaagad.

"I want to kiss you." bulong nito sa akin.

Imbes na masagot ko ang kanyang sinabi. Bumuka ang aking labi upang may sabihin ngunit walang anumang salitang namutawi doon. I was too surprised to say anything.

Nakita ko ang pigil na pagngisi ni Enrique dahilan para mag-init ang mukha ko. Unti-unting lumapit ang labi nito sa akin at hindi ko na nagawa pang pigilan.

I was too stunned to stop him. At isa pa ay tila iyon din ang hinihintay kong mangyari para lang maging maayos kami. But why would I anticipate on that?


Kinuha nito ang kamay kong nasa gilid ko at pinulupot niya sa batok niya. He kissed me so gently but very passionately.

I felt so hot but yet cold like ice. Nanginginig ang aking buong katawan ngunit tila may humihila sa akin upang lalong lumapit dito.


Hindi ko na napigilan ang sarili dahil kusa nang bumukas ang labi ko upang sagutin ang mapanukso niyang halik.

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang palad sa pisngi ko na naging dahilan para lalong mag-init ang aking pakiramdam.

Lalong bumiblis ang tibok ng puso ko. His touch feels like magic running through his fingertips. His kiss went to intense.

Bumubulukos ito hanggang sa kaloob-looban ng aking bibig na tila nangungusap ng pagtugon. Hindi na ko napigilan ang sariling pagbigyan ito. I opened my mouth and he immediately explored it.

Our faces went places on that hot kiss. Nakalimutan ko ang galit na nararamdaman ko sa kanya at napalitan iyon ng pagkalasing sa halik niya.

Unti-unti itong lumayo nang matapos ang kakaibang halik na iyon. Unti-unti ring bumalik ang isip niya sa kasalukuyan na tila naglakbay sa kung saan. Bigla akong napaisip ng may rumagasang nakakatakot na imahe ng isang isipan.

"Sinong kameeting mo kanina?" tanong ko sa kanya at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Ayessa..." Alangan niyang sabi at para bang nag-iingat sa sasabihin niya.

Mabilis na gumana ang isip ko. Napabuntong hininga ako at unti-unting kumalas sa pagkakayakap. Naglakad na ako patungong kwarto namin para makapagpahinga na.

Sinasabi ko na nga ba at sila na naman ang magkasama! Bakit ba palagi nalang silang magkasama? Ano pa bang kailangan nilang pag-usapan?

Narinig kong sumunod siya sa akin. Pabalang akong humiga sa kama at tamad na tamad na kumilos pa. Hindi na rin ako nag-atubiling magpalit ng damit at magtanggal ng sapatos.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon