KABANATA 45

1.2K 24 0
                                    

KABANATA 45

Finally



Nagpapicture kami kasama ang iilan sa mga panauhin. I was surprised ng bigla akong hinawakan ni Ms. Mandy at iginaya papunta sa isang guest.

Isang matangkad at balingkinitang italyana ang bumungad sa akin. Napatingin kaagad ako kay ms. M at nagulat ng nginitian niya lang ako.

"Mrs. Jepsen..." Isang malaking ngiti ang iginawad niya sa akin at nakipagbeso pa siya sa akin.

"This is Ayessa Monasterio, our soloist. Ayessa, this is mrs. Carolina Jepsen, the owner of Paris Opera Ballet."

Napasinghap ako dahil sa narinig ko. Kaagad akong nakipagkamay sa kanya.

"It's my pleasure to meet you madame."

"Oh, we've been talking about your performace a while ago. Your dance is spectacular!"

"Thank you, madame." nahihiyang pahayag ko.

I was really speechless. Hindi ko maproseso sa isip ko na kausap ko ngayon sa harapan ko ang may-ari ng ballet company na gusto kong pasukan. This is kinda dream come true!

"She will be dancing on Saturday, isn't she?"

"Yes, mrs. Jepsen." Sagot ni ms. Mandy.

"Lovely! I will see you on audition."

Pinakilala pa ako ni ms. M sa iba't iba pang mga guest at umaapaw na saya ang nararamdaman ko ngayon.

May iilang kumpanya din na gustong makipagclose ng contract sa akin pero sabi ni ms. M ay kausapin muna siya regarding sa mga ganong offer bago ibaba sa akin ang final offer.

Matapos ay nagpaalam na ako kay Ms. M at kila Chantal na hindi ako makakasama sa dinner ng grupo dahil kasama ko ang family ko na kakauwi lang din galing London.

Naintindihan naman nila. Nagpasalamat ako ng husto kay ms. M bago ako dumiretso sa pamilya ko na kanina pa naghihintay sa akin.

Binati ako ng parents ni Enrique. Nailang pa ako sa daddy niya pero isinantabi ko nalang para kay Enrique. He assures me that I don't have to worry about Charm.

Nang ibinaling ko naman yong atensyon ko sa mga kaibigan ko ay labis na galak ang naramdaman ko. Niyakap ako nila Summer at Thalia. Kalaunan ay sumama na din sila Nathan at Jerome sa akin.

They are so proud of my performance. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi.

"Finally!" Sigaw ni Thalia at natawa kaming lahat.

Maging ang magulang ko ay natawa.

"Nakasayaw din sa wakas." sabat ni Timothy at madali akong yumakap sa kanya.

"Sa wakas. Isa nalang tapos pwede na kong matahimik." Maharan niya akong binatukan.

Nagpaalam lang ako nakukuhain ko lang ang damit ko sa dressing room. magkita-kita nalang daw kami sa restaurant na pinareserve. Si Enrique ay sinabay ang kanyang ate sa sasakyan.

Ako naman ay pinasabay ni mommy sa sasakyan nila ni daddy. Nagpalit lang ako ng damit ko at hindi na nagawang maghilamos dahil sa nagmamadali si mommy. Mamaya nalang sa bahay pagkauwi.

Paglabas ko ng opera house ay madali akong sumakay ng sasakyan nila mommy. Sa likod namin ay nakita ko sila kuya na nakasunod sa amin.

"You did so well, Ayessa." sabi ni daddy habang nagmamaneho.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon