KABANATA 12

2.9K 37 0
                                    

KABANATA 12

Biglaan



Bata palang ako. Atat na atat na kong madalian yong panahon. Naalala ko noong bata ako gustong gusto ko ng maging dalaga.

Gustong gusto ko ng tumuntong sa edad na 18. Legal age na kasi yon ibig sabihin pwede ko ng gawin ang lahat ng gusto ko.

Pero sinumpa ata ako ng magulang ko dahil pinatapon ako sa USA at 21 ang legal age doon. Pero ngayon gusto kong bumalik sa nakaraan para baguhin lahat ng nagawa kong mali at gawin ang tama. Nagsisisi akong minadali ko ang buhay ko.

10 years ago. Nanonood kami ng tv nang bigla akong napaisip sa sinabi ni Bea Alonzo. 'Ten years from now, ganito pa rin kaya tayo?'.

Ang daming nagbago. Iilan lang yong nagkatotoo sa mga hinulaan ko noon.

Si Jerome tsaka Thalia, sila pa rin. Kinasal na sila a year ago ang I guess magkakaanak na din sila ngayon.

Si Cyrille naman, si Summer pa rin ang hinahabol niya kahit na may asawa na ang bestfriend ko.

10 years na rin kaming magbestfriend ni Summer. Her life became so complicated. Ganon ata talaga ang love masyadong komplikado.

Ginagawang komplikado yong buhay mo. Yong ine-expect mong mangyari, hindi mangyayari kasi may unexpected na mas magandang mangyayari sa buhay mo. And I witnessed it.

Si Kuya Timothy. Unexpected yong nangyari sa kanya pero hindi niya hinintay si Aliyah. Hindi rin naging sila ni ate George. Sobrang naging magkasundo kami kasi ang hinabol niya ay ang bestfriend ko.

He told me that she's the girl I was talking about. The girl who will make his heart beat so hard and fast. The girl who will change his life bigtime. And the girl who will make him happy and contented with his life...

Si Ate George naman, hindi na si kuya ang hinahabol niya kundi si Andrew. Ang mapagpanggap na baklang kaibigan namin.

Ako naman after 10 years, hindi na ulit si Cyrille ang itinitibok ng puso ko. Hindi pa din nagiging proud sa akin sila mommy.

Hindi ako naging sikat na ballerina. Bumagsak ako sa final audition ko sa SAB kaya ang ending ko pumasok ako sa University of California at nag-aral nalang ako doon dahil hindi ako pinauwi ni mommy sa Pilipinas.

Akala ko nga makakauwi ako after kong bumagsak kaso hindi ako pinayagan. Instead naging puppet ako ni mommy.

Sinusunod ko lahat ng sabihin niya just to please her. I was in 3rd year nang pinayagan akong makauwi ni mommy.

Dito ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Nagkaroon kasi ng komplikasyon kay Timothy noon at kinakailangan siyang bantayan. Habang nag-aaral ako, nagtatabraho din ako sa kompanya namin.

Nagkalabuan kami ni Enrique. Hindi umepekto ang LDR sa amin dahil palagi lang kaming nag-aaway at sa tuwing nag-aaway kami ay napapabayaan ko ang pag-aaral ko para suyuin siya.

May time din na bumagsak na ako sa sobrang pag-aaway namin kaya kinakailangan kong makipaghiwalay sa kanya.

Nagalit siya sa akin at nawalan na ako ng balita sa kanya. Hindi niya maintindihan na kailangan kong magakitang gilas kay mommy.

Kaya noong umuwi ako para kay Timothy at Summer hindi ko alam na pagtatagpuin pala ang landas namin. Halos manibago ako sa mga bagay-bagay at panay ang pag-iwas ko sa kanya.

For what? Bali-balitang may girlfriend naman na siya. May iba na siyang mahal. May kanya-kanya na kaming relasyon kaya hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon