KABANATA 32

3.1K 63 6
                                    

KABANATA 32

Binabantayan



"Nong time na muntik na akong masagasaan sa mall, pagkagising ko non sa sasakyan ni Cyrille wala na akong marinig. Tapos nong sinundo niyo ko sa studio na kasama ko si Clarence, wala din akong marinig non."

"Seryoso? Anlakas ng earphone mo non."

"Nagpapanggap lang akong nakaearphones pero hindi ko naman talaga naririnig yong tugtog kahit nakatodo na yong volume. Ayoko lang makahalata yong iba na may mali sa akin. Kapag nawala yong pandinig ko, it's totally shutdown." napatawa ako ng mapakla.

Laking gulat ko ng bigla niyang kinuha yong baso sa akin at dali-dali akong niyakap ng mahigpit. Bigla akong napaiyak.

"Why didn't you tell me? Dapat sinabi mo kaagad."

"I am so confused and scared right now. Hindi ko alam kung babalik na ba ako o magstay pa ako dito----

"You can go now, Ayessa –"

Eto na ba yong hinihintay ko? Yong bigla nalang niya akong papalayuin sa tabi niya? Isang araw palang kaming nagkakasundo. Ang bilis namang bawiin sa akin yong lalaking matagal kong hinintay.

"I don't want to leave you." I said while looking in his eyes pero kaagad din akong umiwas ng tingin sa kanya dahil alam kong naawa siya sa akin. Ayokong nakikita na may naawa sa akin.

"Pero yon yong gusto mo. I will completely understand. As long as iiwanan kita ng may dahilan."

"You will not leave me. I will come with you. We will go back to Paris, together."

Parang biglang huminto ang puso ko sa sinabi niya. Yong bitak-bitak kong puso, unti-unti ng nabubuo dahil sa kanya

"Oh, Quen. Why did I do to deserve someone like you?" bulong ko.

"We'll go back. As soon as possible, Honey. Stop crying, please. Pupunta tayo ng Paris, next week. Ipapaayos ko na sa secretary ko yong mga papers."

"We will leave after my ballet performance. Hindi pa pwede, Quen. Nagsisimula palang akong abutin yong pangarap ko. Hindi ako pwedeng bumitaw ngayon kasi alam ko na kapag bumitaw ako ngayon pagsisisihan ko to balang araw. After my performance, please."

"Ayessa, Ayessa, What am I gonna do with you? Why are you so stubborn?" He asked me while hugging me so tight.

Umayos siya ng higa at ako naman nakapatong sa kanya habang yong ulo ko nasa dibdib niya.

I woke up with a massive headache. Hindi naman ako uminom pero sobrang sakit ng ulo ko na para bang may pinupukpok sa ulo ko. Nagpakawala ako ng impit na sigaw at halos mawalan na ako ng buhok sa sobrang pagsabunot ko sa ulo.

Kaagad akong napabanggon at napasandal sa headboard ng kama habang hawak-hawak ko yong ulo ko. I was just closing my eyes and trying to ease the pain. Nagulat ako ng biglang may kamay na humawak sa ulo ko kaya napadilat ako.

"What's wrong?" Tanong niya at halatang bagong gising palang dahil malat yong boses at mapungay yong mga mata.

Napalibot ako sa loob ng kwarto. Hindi naman ito yong kwarto namin kagabi. Tsaka kailan kami umakyat?

Napadaing na naman ako sa sakit ng may parang pumitik sa tenga ko. Fuck! Kailan ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko? Halos umiyak na ako sa kirot. Nanlalamig at nanginig na din ang katawan ko kahit na mahina lang ang aircon sa kwarto.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon