KABANATA 9

3K 47 5
                                    


KABANATA 9

Kiss me



Maraming estudyanteng napapatingin sa amin pero hindi namin pinapansin. Ilang sandali din kaming natahimik ng bigla na niyang kinuha yong bag niya pati bag ko.

"Pasok na tayo?" tanong ko sa kanila. Napatingin ako sa relos ko at baka late na kami pero may sampung minuto nalang bago mag-umpisa ang klase.

"You have to tell them. H'wag mo kong tularan." sabi niya sa akin.

Napatunganga pa ako doon at hindi alam kung anong pinagsasabi niya hanggang sa unti-unti kong naintindihan. Napaatras ako sa kanya at napairap siya sa akin.

"Hindi pwede! Magagalit sila." natatakot kong sabi sa kanya. Totoo naman kasing magagalit sila. Nung nalaman nga nilang aalis si Cyrille, hindi nila pinansin si Cyrille for a month. Paano pa kaya ako na ngayon lang nila naging kaibigan?

"Mas magagalit sila kapag hindi nila nalaman ngayon at huli na kapag nalaman nila. At least sabihan mo si Quen o kaya si Summer. Iispin ng mga yon pinagkaisahan natin sila. You still have time. Hindi pa huli ang lahat."

"Ikaw din naman ha. You still have time. Bakit ayaw mong sabihin sa kanya?"Umiling siya kaagad sa sinabi ko.

"It's too late, Ayessa. Mahirap mang-amo ng babae. Magtatampo, magsusungit, at hindi ako papansinin. Wala ng oras para magdrama. Kaya ikaw habang may iilang buwan ka pang kasama sila. Sabihin mo na, maiintindihan nila yan."

Nakatitig lang ako sa kanya. Kailangan ko ba talagang gawin yon? Kailan ko naman gagawin? Tsaka paano? Magsasalita pa sana ako kaya lang nabigla kaming dalawa ng may magsalita sa likuran namin.

"Lyka..."

Napatingin kaagad kami sa likuran namin at nakita namin si Quen na nakasandal lang sa may pader. Palipat-lipat yong tingin sa amin tapos lumakad na siya papalapit sa amin.

"Hello." Masayang bati ko sa kanya pero nanatiling magkasalubong ang kilay niya.

"Bakit nandito pa kayong dalawa? Bakit hindi pa kayo pumapasok?"

Kinuha niya yong bag ko kay Cyrille tapos hinila niya ko papalapit sa kanya. Kaagad niyang pinagsaklob ang mga kamay namin. Napatingin doon si Cyrille at kaagad akong tinaasan ng kilay. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti.

"Tara na pumasok na tayo." sabi niya habang hawak-hawak yong kamay ko.

"Parating na yong teacher." sabi niya at mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Tahimik lang kaming naglakad hanggang nakarating kami sa classroom. Dumiretso si Cyrille sa upuan nila ni Summer at ganoon din kami ni Quen. Tahimik si Quen kaya naman ako ang nagsalita. Binitiwan niya na din ang kamay ko.

"Kanina ka pa? Anong oras ka pumasok?" pansin ko kasing wala siyang dalang bag kanina.

"6:30." Isang oras bago yong time namin.

"Bakit ang aga mo?"

"Because I'm excited to see you kaya lang kasama mo naman yong first love mo." napatawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya. Don't tell me his jealous? Kakaltukan ko tong lalaking to.

Bumaling siya sa akin at mataman akong tinignan. Nginitian ko siya at ilang irap ang natanggap ko sa kanya. He's jealous.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Secret." Pambubwisit ko sa kanya kaya naman inirapan na naman niya ko tapos kinuha nalang yong cellphone niya at nagpatugtog ng kanta ni Ed Sheeran, Autumn Leaves.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon