KABANATA 40

3.5K 82 30
                                    

KABANATA 40

Emotion



Pagbaba ko ay nakita kong nag-aayos palang sila Manang ng almusal at gulat na gulat sila ng makitang nakagayak na.

"Ayessa, may almusal na nakahanda dito. Kumain ka muna bago umalis. Mabuti at nakapaghanda ako kanina—"

"Hindi na manang sa studio na ako kakain." Nagulat ako ng may humapit sa braso ko.

"Ihahatid na kita. Two minutes lang. Hintayin mo ko. Mag-aayos lang—"

"H'wag na. Kaya ko na. Alis na ako." Pagpigil ko sa kanya.

"Please?" Tinalukuran ko kaagad siya.

Malelate na nga ako tapos nangungulit pa siya. Hindi ko siya maintindihan. Noong isang araw, galit na galit siya sa akin tapos hindi niya pa ako pinapansin kahapon tapos ngayon pinagbibigyan ko siya sa gusto niya ganito ang trato niya sa akin.

Kung sa kanya okay na kami. Pwes, magtutuos pa kaming dalawa. Busy lang ako kaya hindi ko siya mahaharap ngayon.

"Malelate ka lalo. Walang taxi sa labas. Doon pa sa may gate." Napasuklay na ako sa buhok ko sa inis na naramdaman ko.

Doon ko lang napagtanto na tama ang sinabi niya. Kakailanganin ko pa nga palang maglakad palabas ng gate o magpatawag sa guard ng taxi para makalabas dito sa village.

Noong mga nakaraang araw. Binibilinan ko yong isang kasambahay na tawagan ako ng taxi. Mukhang nakalimutan niya o kaya'y naisip niya na hindi na tumawag dahil nandito naman si Enrique para ihatid ako.

"Magpahatid ka nalang sa driver ko kung ayaw mong ako ang maghatid sa'yo." Bago pa man ako makaalis sa pagkakahapit niya at makatanggi sa alok niya ay hinalikan na niya ako ng mariin sa labi.

"Kuya David, pakihatid muna si Ayessa. Malelate na po yan."

Nagtatakbo na ako palabas ng bahay at madaling sumakay ng sasakyan para maihatid na ako ng driver ni Enrique.

Saktong alas syete ang pagdating ko sa studio. Konti palang ang nandoon. Karamihan ay yong mga nasa lead role, si Chantal at Clarence.

Inayos ko muna ang gamit ko sa locker pagkatapos ay nagpalit na ako ng pang-sayaw ko.

Pabalik ako sa locker room para maibalik ang gamit ko ng maabutan ko doon si Chantal. Napatingin siya sa akin ng sandaling pumasok ako maging yong mga kaibigan niya ay titig na titig sa akin.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kania. Mas okay ng manahimik kaysa patulan ko sila. Wala naman akong mapapala kung ibababa ko ang level ko sa kanila.

Sa huli, mas aawayin lang nila ako lalo kapag pinatulan ko pa sila. Isang araw nalang ang titiisin ko. Isang linggo nalang at hindi ko na mararanasan ang pangungutya nila sa akin.

Isang araw nalang at tuluyan ng mababago ang buhay ko. Life is too short to wake up with regrets. So love the people who treat you right and forget about the ones who don't.

Nakahinga ako ng maluwag ng isa-isa silang lumabas ng kwarto. Pagkatapos kong mailagay ang damit ko sa locker room ay nagpasya na akong lumabas.

Halos manlaki ang mata ko at literal na napaatras ako ng makita ko si Chantal sa harapan ko. Kaagad niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry." Bulong niya.

"C-chantal?"

"I'm sorry kung binubully kita noon."

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon