KABANATA 42

2.2K 39 6
                                    

KABANATA 42

Friend's sake



"Tatapusin naman natin yong shoot di ba? Di mo naman ako iiwan sa ere di ba?" Pang-aasar niya kaya kinutusan ko siya.

"Kailan kita iniwan sa ere?"

"Kung sa bagay, isang tao lang naman parati mong iniiwan sa ere e. Yong taong mahal na mahal mo." Natawa siya ng malakas kaya napailing lang ako.

"Sige mamaya tatapusin na natin yong shoot para wala na kong utang sa'yo at para matapos na natin—"

"Matapos na? Break na tayo? Ile-let go mo na ko?" Matawa-tawa niyang tanong sa akin.

"Gago! Anong pinagsasabi mo? Diyan ka na nga!" Napailing nalang ako at nagpaalam sa kanya.

Halos alas dose na ng natapos kami sa pagre-rehearse. Puro polishing nalang ang ginagawa namin ngayon dahil bukas na ang pinakaaabangan naming performance.

"Grabe yong si Phoebs! Nakakapagod yong paulit-ulit na pag-tiptoe. Punyeta ang sakit ng mga daliri ko sa paa!" pagrereklamo ni Chantal na mukha ng iiyak dahil sa sakit siguro ng paa niya.

Pinarusahan kasi yong grupo nila Chantal dahil hindi sila sabay-sabay sa pagsasayaw. Sila ang pinag-initan ng bading naming mentor kaya ngayon panay ang pagrereklamo niya na masakit ang paa niya.

"Buhatin na kita. Gusto mo?" Tanong sa kanya ni Clarence na naging dahilan para mamula yong mukha niya.

Napatawa ako ng malakas dahil sa nakita kong reaksyon niya. Hindi ako sanay na nakikita siyang kinikilig. Sanay akong nakikita siyang palaging nakasimangot, sumisigaw at nagsusungit. Iba talaga nagagawa kapag in love.

"Ayessa!" Sita niya sa akin dahil nahihiya siya sa nangyari.

Napailing nalang ako at pinabayaan silang dalawa na magharutan. Dumiretso kami sa pantry para puntahan si Sean. Kanina pa kasi niya kami hinihintay at ang siraulong lalaking iyon hindi talaga umalis ng studio.

Wala daw siyang trabaho kaya manonood nalang daw siya sa amin. Hindi naman siya pinagbawalan ng Tita niya na manood kaya hindi ko siya mataboy.

Pagkarating namin sa pwesto ni Sean ay sumenyas siya na tumahimik muna kami dahil may kausap siya sa cellphone niya. Tumabi ako sa kanya at kaagad na nilabas yong mga baon ko.

Napansin kong malamig na ito kaya naisipan kong initin nalang sa microwave. Patayo na ako ng biglang hawakan ni Sean yong kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nandito na si Ayessa. Kakausapin mo pa ba?" Napakunot noo ako ng binanggit niya ang pangalan ko sa kabilang linya.

"Sino yan?" Tanong ko pero imbis na sagutin niya ako ay inabot niya lang sa akin yong phone niya.

Kaagad ko naman tinaggap yon at nakita ko lang yong international number.

Umalis si Sean sa pwesto namin at ininit sa microwave yong mga pagkain namin. Tinulungan siya ni Chantal at Clarence sa paghahanda ng pagkain.

"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.

"I can't reach your phone. Why?" Napaayos ako ng upo ng sandaling pinakinggan ang boses niya.

"Kuya?" Kaagad kong kinuha sa bag ko yong cellphone ko at laking gulat ko na nakapatay pala ang phone ko. Nang binuhay ko naman ito ay namatay lang ulit.

"Battery empty kuya. Napatawag ka?" Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Uuwi kami mamaya nila Summer ng Pilipinas. Bukas ng hapon ay nandyan na kami. What time ang performance mo?"

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon