KABANATA 26

2.5K 49 5
                                    

KABANATA 26

Lucky Charm



"Hibang ka na! Anong isasakripisyo mo? Yong kalagayan mo ngayon? E kung lumala yan?" Pagsesermon niya s a akin.

"But I have to stay..."

"Ewan ko sa'yo. Hindi kita maintindihan. Ngayon alam ko na kung bakit galit na galit si Quen sa'yo. Masyado kang pabitin. Bigla-biglang aalis kung kailan okay na yong lahat. Umayos ka ng Ayessa. Umalis ka na ngayon tapos kapag okay na yong surgery tsaka ka bumalik!" naiiinis na sabi niya kaya naman napabuntong hininga ako.

"Bakit ba galit na galit siya kapag iniiwanan siya? Para siyang bata. Nagpapaalam naman ako." reklamo ko kay Thalia at pinitik naman ako sa noo ni Thalia

"Hoy! Ikaw kaya ang iwanan sa ere?" inis na tanong niya.

"Ilang beses mo na ba siyang iniwan? Gusto mong ipaalala ko sa'yo?" inirapan ko lang siya.

"Ayessa, iniwan mo siya nong highschool tayo para mag-audition sa SAB. Hindi ka umuwi ng dalawang taon at hininay ka ni Quen noon. After mong grumaduate ng college, iniwan mo ulit siya ng ilang buwan para imanage yong negosyo niyo sa America. Tapos iniwan mo siya nong----

"Oo na. Ako na palaging nang-iiwan! May dahilan naman yong pag-alis ko." sabi ko sa kanya.

Ayokong umali ng hindi kami nagiging maayos. Natatakot ako na kapag umalis na talaga ako ng tuluyan ay wala na talaga akong babalikan pa.

Besides hindi ko pa nagagawa yong mga gusto kong gawin sa buhay. Hindi pa ko nasasatisfy sa mga ginagawa ko sa buhay kaya hindi pa ako pwedeng magpasurgery. Ayokong may pagsisihan bandang huli.

Nasampal na niya ko ng katotohanang magaling akong mang-iwan sa ere. Soplak na soplak na niya ko e. Kaya nga bumabawi ako ngayon.

"He asked you to stay. He asked you to prove your love for him. He asked you to sacrifice, just a little for him. Ginagawa mo ba?"

Napailing lang ako kasi pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Feeling ko ang sama-sama kong girlfriend.

"Isang buwan ka na palang nandito. Wala ka man lang ginagawa para mabawi yong loob ni Enrique. Mahal mo ba talaga siya?"

"Sobra." Bulong ko at unti-unti ng pumatak ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan.

Tinitigan lang ako ni Thalia. Alam ko may gusto pa siyang sabihin sa akin pero ang kinaganda kay Thalia hindi siya mapilit na tao. Magbibigay siya ng payo pero ikaw pa din ang masusunod kung susundin mo yong payo niya.

"Paano kung hindi na talaga ako mahal ni Enrique?" bigla kong natanong sa kanya habang nakasubsob sa mesa.

"E, bakit gusto ka niyang magstay dito kung hindi ka na niya mahal?"

"E, bakit niligawan na niya si Charm? E'di ibig sabihin totoo nga yong sinabi ni ate Fats na hinahabol na ni Quen si Charm at hindi na ako? Baka nagsasayang lang ako ng oras dito."

"Sino bang nagsabi na ligawan niya si Charm? Sino bang nagbigay ng permiso sa kanya na ligawan si Charm? Di ba, ikaw? Sinunod lang naman niya yong gusto mo e." Naiinis na sabi ni Thalia

"Napaisip kasi ako sa sinabi niya. Baka nagkamali lang ako ng pagkakaintindi. Baka hindi na talaga niya ko mahal." Sabi ko tapos iniwan na niya ko sa sobrang inis niya sa akin.

"Punyeta ang gulo mong kausap! Mag-usap nga kayo kapag nag-outing tayo next week. H'wag mo kong tatanggihan dahil malaki ang atraso mo sa amin." sigaw niya papalabas ng kwarto

"Pwede ko bang ligawan si Charm?" pabulong na tanong niya sa akin.

Nag-alab kaagad yong galit sa puso ko. Nananadya ba tong lalaking to? At the same time bigla akong nakuryente ng maramdaman ko yong hininga niya sa gilid ng tenga ko. Para bang may kung anong gumulo sa sistema ko. Ano bang pakiramdam to?

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon