KABANATA 11

1.2K 24 2
                                    

WARNING - SPG

KABANATA 11

Akin ka lang



"Let's dance." sabi niya

"Mag-usap tayo sa labas." sabi ko

Nagkasabay kaming magsalita. Kitang kita kong nanginig yong mga mata niya at napahawak siya ng mahigpit sa akin pero napabitaw din dahil hinatak na siya nila Thalia papuntang dancefloor.

"Tara na sayaw na tayo." aya ni Thalia

"But we need to talk about something---"

"Mamaya ka na magconfess kay Enrique!" panloloko ni Thalia tapos natawa naman silang apat.

"Quen." sabi ko pero nginitian niya lang ako.

"Mamaya na. Promise mag-uusap tayo mamaya tapos ihahatid kita." sabi niya habang nakangiti.

"You're lucky, bessy! Ihahatid ka pa niya. Tara na sayaw na tayo! Magsaya naman tayo kasi last day na natin sa highschool ngayon!" masayang sabi ni Thalia at hinila na sila Quen papuntang dance floor.

Ilang minuto akong nakatayo don habang sila nagsasayaw sa may dancefloor. May iilan ding nagyayang makipagsayaw sa akin pero panay lang ang pagtanggi ko sa kanila.

May nakita akong tissue sa may lamesa kaya kaagad kong kinuha ito at sinulatan. If hindi ko masabi sa kanila ng personal, gagayahin ko nalang si Cyrille.

"I'm sorry but I really need to go. Thank you so much for the memories. Masaya akong naging kaibigan ko kayong apat. I hope to see you soon. :') -A"

Inipit ko yong note sa coat ni Enrique na nakalapag sa table namin at nag-iwan na rin ako ng isang puting rosas. Kaagad akong lumabas ng venue at mabuti nalang wala pang lumalabas ng venue dahil panigurado nagsasaya sila dahil dito na magwawakas yong pagiging highschool student namin.

Hinintay kong makarating si Kuya sa mismong entrance ng hotel. Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko at konti nalang din tutulo na yong luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Kaagad akong napatakbo pagkarating ng sasakyan ni kuya kaya lang bigla akong napahinto sa pagpasok ng biglang may sumigaw at tumawag sa pangalan ko.

"AYESSA LYKA MARIE!" umiling lang ako at tuluyan ng napaiyak. Itinapon ko sa likurang upuan ang mga bulaklak na binigay niya sa akin.

Kahit hindi na ko lumingon ay kilala ko yong nagmamay-ari ng boses na yon. Kaagad kong sinirado yong pintuan pero nagulat nalang ako ng biglang may kumatok mula sa bintana. Napatingin ako sa kaya at alam kong hindi niya ako nakikita dahil sa tinted yong salamin ng sasakyan.

"Ayessa! Wag kang mang-iwan ng ganito! Bumaba ka dyan!" sigaw niya sa labas. I saw frustration in his eyes.

"Kuya, magdrive ka na please." pagmamakaawa ko kay kuya.

Nanikip ang dibdib ko ng unti-unting umandar ang sasakyan namin. Napapikit ako ng marinig ko ang paghampas niya sa bintana namin at walang tigil na pagsigaw sa pangalan ko. Hindi ko siya binalingan ng tingin.

Ayokong makita siyang ganyan.

Ayokong nakikitang malungkot siya habang iniiwan ko siya.

He doesn't deserve this kind of treatment. May ibang babae pang magmamahal sa kanya. Yong babaeng magmamahal sa kanya ng lubos at hindi siya iiwanan.

"Sinabi mo na ba?" Umiling ako at narinig kong nagmura siya ng mahina.

Napahinto ang sasakyan namin at kaagad akong napabaling sa kanya. Is he out of his mind?

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon