KABANATA 23

2.5K 44 10
                                    

KABANATA 23

Condition



Umiwas siya ng tingin sa akin at muling tumingin sa photo album. Kailangan ko ng sagot dahil ngayon lang ako may lakas ng loob para tanungin lahat yan.

"I thought napipilitan ka lang kaya ka sumasayaw. I got scared, Ayessa." Nakita kong napapikit siya habang nakayuko.

"Scared?! Isang Carmella Agustin Monasterio, may kinakatakutan? Wow, bago ata sa pandinig ko yon mommy." sarkastiko kong tanong sa kanya.

Bago sa pandinig ko na ang isang katulad niyang makapangyarihan ay may kinatatakutan. Kilala siya bilang isang babaeng walang kinatatakutan. Siya pa nga ang kinatatakutan kaya naman nakakagulat na marinig sa kanya na natakot siya.

"Naaalala mo nong mismong araw ng final audition mo bigla kang nahimatay?" napatango ako sa kanya.

"Akala ko kaya ka nahimatay dahil sobrang pagod ka na. Akala ko masyado mong pinipilit yong sarili mo na makapasok sa finals. Pero nagkamali ako kasi bumalik yong kinatatakutan ko."

"At ano naman yon?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot yong noo ko.

I really can't believe na may kinatatakutan siya. That's so impossible!

"You're condition right now." Napanga-nga ako sa sinabi niya

"M-My condition?" paglilinaw ko at napatango naman siya.

Alam niya ba yong sakit ko ngayon? Paano naman niya nalaman? Pinagkalat na naman ba ni Summer? Pero kaagad na naputol yong pag-iispi ko dahil sa sinabi ni mommy.

"Bata ka palang alam na namin na isang araw pwede kang mabingi."

Napapikit lang ako sa mga narinig ko. So matagal na nilang alam yong kalagayan ko. Matagal na pala nilang alam yong sikreto ko pero hindi man lang nila ko sinabihan kaagad.

"Kailan niyo pa alam na may kakaiba na sa pandinig ko?" tanong ko sa kanya.

"Bata ka palang nadiscover na namin na may iba sa pandinig mo. Binaliwala namin yon ng daddy mo kasi akala namin normal lang. Inakala namin hindi ka lang nakikinig sa amin."

Nanatili akong nakikinig sa kanya. Ni hindi ko mapagtagpo ang mga mata namin dahil hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga nalalaman kong katotohanan.

"Pero nong mismong araw na nahimatay ka pinatignan ng daddy mo yong tenga mo at nadiscover na may abnormal sa tenga mo. I was so scared and confused during that time. Hindi ko alam kung anong dapat na gawin."

Bigla kong naalala yong araw nang audition ko. Umaga palang panay na yong pagrereklam ko sa kanila na masakit yong tenga ko.

Yong tipong parang may tumutusok sa loob ng tenga ko. Yong tipong nangingilo ka pero wala naman dapat ikangilo.

Tumagal yon hanggang hapon, isang oras bago yong audition ko bigla nalang akong nahilo ng sobra, akala ko dahil sa malabo lang yong mata ko.

And then the next thing that I remember nasa hospital na ako at ayaw na akong pabalikin ni mommy sa SAB para sa final audition ko. She told me na nadisqualify na daw ako.

Last year ng madiscover ko na may kakaiba sa pandinig ko. It was autumn in Paris ng bigla akong maconfine sa isang hospital dahil nawalan ako ng malay at doon ko nalaman yong totoo kong kalagayan.

Last week of June, after ng break up namin ni Enrique sinabi ko kay Summer na babalik muna ako ng Pilipinas pero ang totoo ay dumiretso ako ng Paris para makapag-isip. Gulong-gulo ako ng mga panahon na yon dahil iniispi ko kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Enrique.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon