KABANATA 5

2.9K 51 6
                                    

KABANATA 5

Choice



"WALA KANG ALAM KAYA MANAHIMIK KA!" sigaw niya at kaagad na hinablot ang braso ko.

Halos mamula ang mukha niya sa galit. Bumabaon ang kamay niya sa laman ko at labis labis na kaba ang nararamdaman ko.

"Wala nga akong alam kasi ayaw mong iopen yong sarili mo. Pilit kong iniintindi yong ugali mo pero sumosobra ka na, Timothy. Minsan subukan mong maging mabait baka sakaling hindi ka iwanan ng mga tao sa paligid mo."

"Shut up! H'wag kang magsalita na parang kilala mo ako!" sabi niya tapos tinalikuran na niya ako.

"Timothy. Kailangan ko ng kuya ngayon. Kailangan ko ng kapatid..." I called him and I heard him cursed.

"I am trying my best to get to know you kaya lang palagi mo nalang akong tinutulak palayo. Palagi mo nalang akong pinagtatabuyan." mahinang sabi ko.

Napapikit nalang ako sa sunod-sunod na sakit na naramdaman ko. Nasaktan na ako ni Cyrille, itotodo ko na yong sakit kay Timothy dahil pagkatapos nito hinding hindi na ulit ako magiging mahina.

"Oo nagtransfer ako sa school na pinapasukan mo para makasama si Cyrille. Pero hindi lang naman yon ang intention ko, gusto kong magpatulong sa kanya kung anong pwede kong gawin para maging okay tayo. Kasi hindi ko na kayang ganito yong trato mo sa akin." sabi ko at nagulat nalang ako ng may mga paa na kong nakikita sa harapan ko. Napahinga ako ng malalim at hinanda ang sarili kung sakali mang saktan ako ni Timothy.

I went overboard so I deserve to be punished.

"Will please stop---" Pinutol ko kaagad siya.

"I tried. I tried my best na lapitan si Cyrille pero wala yong atensyon niya sa akin. Hindi ako makahingi ng tulong sa kanya. Si Cyrille nalang yong naiisip kong kakampi ko kaya ako lumipat doon. Wala naman akong kakampi. Ako yong palaging pasaway, pilya, masama kaya walang kumakampi sa akin."

"Ayessa." mariin niyang sinambit ang pangalan ko pero panay lang ang pag-iling ko habang umiiyak.

"Please. Please spare me your sermons, kuya Timothy. Please try mo naman maging kuya sa akin kahit isang beses lang. You should be my protector in times like this and not my enemy. Hindi ko kailangan ng kaaway ngayon."

Kailangn kong malabas yong sama ng loob ko sa kanya kasi after nito ako na mismo lalayo sa kanila dahil alam ko naman na ayaw nila sa akin.

"Kailangan ko ng kuya. Kailangan ko ng kakampi kasi nasasaktan ako ng sobra ngayon. Kailangan ko ng makakaintindi kasi hindi ko na alam yong gagawin ko." Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya naman napayakap din ako sa kanya ng mahigpit at tsaka napahikbi ng sobra.

"I'm sorry hindi ko na talaga kaya hindi umiyak. Takpan mo nalang yong tenga mo kung naririndi ka na. I'm sorry din kung may nagawa akong kasalanan sa'yo." Sadness is evident in my voice. Nanatili siyang nakayakap ng mahigpit sa akin at panay ang paghimas niya sa buhok ko

"I'm sorry kung nasira yong pamilya niyo dahil sa amin. No mali dahil sa akin kaya nasira yong pamilya niyo. Sana hindi nalang ako pinanganak para hindi nagkahiwalay yong magulang niyo. I'm sorry talaga." nagulat ako ng bigla niyang inangat ang mukha ko at maamong tinignan

"Shss. Stop saying those words. It's not your fault." Bibgla niyang pinunasan ang pisngi ko gamit ang mga daliri niya.

Bahagya akong nagualt sa sinabi niya at pati na rin sa pakikitungo niya sa akin. Alam ko pagkatapos nito babalik na naman kami sa dati kaya naman sinulit ko na.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon