KABANATA 2

3.8K 61 3
                                    

KABANATA 2

Rivalry



Nakangiti pa rin naman siya pero hindi sumasagot tapos napapailing. Nagulat ako ng bigla niyang nilapag yong mga notebook sa gilid ng hagdan tapos hinawakan niya yong isa kong kamay at tinitigan ako ng seryoso.

"Bakit ganyan naman yong tanong mo? Syempre gusto ko."

"E bakit iniiwasan mo kong noong mga nakaraang araw. Kung makaiwas ka akala mo hindi mo ko kababata ha parang hindi mo ako kilala. Kinahihiya mo ba ako?." tanong ko. Pinisil naman niya yong pisngi ko.

"Hoy hindi mangyayari yon! Never kitang ikakahiya, promise." Sabay taas niya ng kanang kamay niya na parang nanunumpa.

May iilang napapatinging mga estudyante sa amin. Nasa ground na kasi kami ng building, malapit sa classroom namin. Binaba ko ang kamay niya ng makita kong itinuturo kami ng iilan kong mga kamag-aral.

"Hindi kita iniiwasan, Ayessa. Busy lang ako for the past few weeks kaya nga ngayong hindi na ko busy ako na mismo ang lumapit sa'yo." napanguso ako at tinanguan siya.

Akmang kukuhain ko na ang mga kwaderno para makapunta na kami sa klase ng bigla niya na namang hinawakan ang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya.

"Don't think na iniiwasan kita. Please don 't think na ayaw kita dito cause that truth is I am really happy that we're finally together." Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

What doest it mean? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Na gusto niya pa din ako.

"Really?"

"Yes. Alam mo ba kung gaano ako kasaya nung nakita kita doon sa harapan ng classroom natin. Nagulat ako na classmate na kita. I even thought I was just hallucinating. Namiss ko kaya yong kababata ko." sabi niya tapos ginulo niya yong buhok ko kaya napangiti ako ng sobra at sa sobrang kasiyahan na naramdaman ko kaya bigla ko nalang siyang nayakap.

"Namiss din kita Cy-cy."

Nakita kong lumabas ng classroom si Summer pero kalaunan ng makita niya ako na kayakap si Cyrille ay bigla nalang siyang pumasok sa loob ng room.

"H'wag mo na kong iiwasan ha. Papansinin mo na ko ha tsaka h'wag ka naman buntot ng buntot don sa Summer na yon, Nakakaselos e!" sabi ko at narinig ko siyang napatawa ng mahina.

"Napakaselosa. You will like her, I swear. She's a very good friend. For sure magkakasundo kayong dalawa." Napangiti ako ng sobra sa narinig ko. They are just friends. No more, no less.

Pagbalik namin sa classroom, ngiting tagumpay pa din ako. Nakita ko pang nakatitig yong grupo ni Cyrille sa akin pero hindi ko nalang sila pinansin. Masaya ako at ayokong mabadtrip.

"Napasa ko na yong activity natin." sabi ko kay Summer habang nakagiti. Nakita ko naman siyang nagulat ng bahagya pero ilang sandali lang ngumiti din siya.

"Thank you." sabi niya at napatango lang ako.

Buong araw ang saya-saya ko. Hindi ko na nga pinag-iinitan si Summer. Syempre naman kasi ngayon alam ko ng wala talagang namamagitan sa kanila ni Summer kaya magiging natural nalang ang pakikitungo ko sa kanya.

They are just friends according to my first love. I don't need to worry about her. She's not an enemy.

Naperfect ko din yong quiz sa math. Laking gulat ko nga nung inannouce ng teacher ko yong highest, walang iba kundi kami ni Cyrille. Meant to be talaga kaming dalawa!

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon