KABANATA 8

2.9K 47 3
                                    

KABANATA 8

Mutual



Isang linggo matapos yong party bumalik na nga ulit si ate George sa London. Pero eto ako, isang buwan na ang nakakalipas hindi pa rin mawala sa isip ko yong mga sinabi niya.

Ganoon ata talaga ka lalim ang isang tao kapag in love. Sinunod ko yong payo niya sa akin. Pinabayaan ko sila Cyrille at Summer sa relasyon nila.

Sa bagay nga naman, ang ganoong klase ng pagmamahalan ay para sa dalawang tao lamang. Kapag mas marming nanghihimasok sa isang relasyon, nagiging komplikado at magulo ang lahat. Kaya hinayaan ko na sila. Diskarte na ni Cyrille kung anong mangyayari sa kanila.

"Nakikinig ka ba sa akin?" iritable niyang sabi sabay pitik sa noo ko.

"Aray ko naman. Masakit yon ha!" reklamo ko sa kanya pero inirapan lang ako ng unggoy.

Kasama ko ngayon si Enrique dito sa bahay nila. Nakaupo kami ngayon sa sofa nilang kulay itim habang nanunuod ng TV.

Malaki ang bahay nila Enrique. Pagpasok mo palang sa bahay nila sasalubungin ka na ng malawak na garahe at garden nila.

Tapos kapag pasok mo naman sa mismong bahay nila puro kulay itim ang gamit nila at nababalot naman ng kulay puting pintura ang bahay nila maging ang sahig nila.

Tatlong palapag ang bahay nila. Ang ikatlong palapag ay ang gathering area nila pati na ang swimming pool.

Sa loob ng isang buwan. Panay ang pagpunta ko dito. Tumambay lang ako sa kanila kasi mas malapit tong bahay nila sa ballet studio.

Nagkamali pa nga ata ako ng desisyon na tumambay dito kasi abot-abot langit ang sermon na natatanggap ko sa kamahalang Enrique.

"Dapat kasi hindi mo na pinagbalikan yong dalawa. Masasaktan lang si Summer pagnagkataon. Anong ibibigay kong paliwanag kay Summer kapag umalis na si Cyrille? Isang buwan nalang aalis na yong lintek na lalaki na yon!" sigaw niya sa akin kaya naman napakunot lang ako ng noo.

"Makalintek ka naman parang hindi mo bestfriend yon---"

"Hindi talaga!" sigaw niya.

"Utot mo. Magbati na nga kayong dalawa. Daig niyo pa magjowa kung mag-away ha." sabi ko pero hindi na niya ko inimik.

Mag-iisang buwan na din kasi silang hindi nagpapansinan. Nagalit siya kay Cyrille noong binalikan niya pa si Summer. Nag-away sila ni Cyrille dahil gusto ni Quen na makipagbreak na si Cy or sabihin man lang niya na aalis siya para hindi maging mukhang tanga si Summer.

Alam na niya kasi yong plano ni Cyrille noon pa man. Siya lang ang sinabihan ni Cyrille tungkol sa pagpunta niya sa US at kaming mga kaibigan niya hindi niya pa nagagawang sabihan.

Kaso wala na atang balak sabihin si Cyrille sa amin kasi halos isang buwan nalang at aalis na siya. Pati sila Thalia alam nila na aals si Cyrille, kinuwento ni Quen sa kanila. Hindi nga namin alam kung aalis na siya bago matapos ang taon na ito.

Kaya nga nagi-guilty kami kay Summer kasi naglilihim kami sa kanya. Hindi kasi namin alam kung paano sasabihin. Gusto namin si Cyrille ang magsabi.

"Quen, leave them alone. Malaki na sila at kaya na nila ang mga sarili nila. Hindi mo naman masisisi si Cyrille kung gusto niya talagang balikan si Summer. That's normal, she loves Summer. And besides kapag umalis si Cyrille, it's your time to make a move. Opportunity mo na---

"Not anymore." bigla niyang sabi kaya naman di ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Napahawak kaagad ako sa noo niya pero maharan niyang kinuha yong kamay ko.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon