KABANATA 13

2.8K 44 1
                                    

KABANATA 13

Big fish



"Tobias?"

"Etong client na pinapareschedule mo. He's a big fish, yessa. Malaking event ang pinapagawa niya sa atin at hindi ko na kayang asikasuhin yon dahil madami pa akong gagawin. Good thing bumalik ka na. Malaki ang bayad niyan sa akin."

Tobias.

Napakunot yong noo ko sa narinig kong apelyido. Napakacommon naman kasi ng apelyido na yon e. Napangiti lang ako ng mapakla. Bakit ba iniisip ko na naman siya? Ang lakas talaga ng kapit niya sa puso ko.

"Sige, Ako nalang kakausap kay Mr. Tobias bukas. Send mo nalang sa e-mail ko yong details tsaka kung saan ako pupunta. Rereviewhin ko yong mga kailangan niya. Text mo sa akin kapag nasend mo na ha."

"Oh sige yess. hulog ka talaga ng langit. Hahaha! Nga pala, pakireview ng maayos yong profile ni Mr. Tobias ha. Masyado kasing maselan yon. Dapat maayos na maayos yong service. Isesend ko na, abangan mo nalang." Pinutol niya na ang tawag dahil may dumating atang client.

Gumaan ang nararamdaman ko sa sinabi niya. Hindi ganoong Tobias ang kilala ko. He's messy, no direction in life.

Kung anong nagawa, okay na sa kanya yon. He doesn't have any rules in his life. Kung anong nakahain, ayon ang kakainin.

Naligo muna ako habang hinihintay ko yong email ni Mica sa akin. Mamaya rereviewhin ko kaagad yong profile ng client tapos matutulog na kaagad ako. Ilang oras din yong biyahe ko sa eroplano at hindi man lang ako nakatulog sa biyahe.

Pagkatapos kong naligo, wala pa din yong email ni Mica sa akin kaya naman napagpasyahan ko nalang na i-access sa laptop ko yong site namin. Sana lang nakaupload doon yong files na kailangan ko.

Pagkabukas ko ng laptop ko natigilan ako sa nakita ko. Isang taon na yong nakakaraan at hindi ko na pala nabago tong wallpaper picture ko.

Kamusta na kaya siya? May bago na kaya siya? Mahal niya pa kaya ako? Babalikan niya pa kaya ako? Kaagad akong napasigaw sa inis at mabilis na pinunasan yong mga mata kong nagbabadya na ng luha.

Ay ano ba yang pinag-iisp mo Ayessa?! Bakit iniisip mo pa ba siya?! Di ba nga naghiwalay na kayo. Di ba nga nakipaghiwalay siya sayo kasi ayaw ka niyang pakinggan.

Ayaw ka niyang magexplain sa kanya. Ayaw niya na daw sayo kaya iniwan ka na niya. Wag mo na nga siyang isipin! May iba na yang babae. Makati pa naman yang ex mo kasing kati ng higad! - pagsesermon ko sa sarili ko.

Kaya ang ginawa ko. Pinagbubura ko yong pictures namin kahit na labag na labag sa loob ko. Kahit na puro yon happy moments namin. Ano pang silbi noon, e break na kami?

Kapag tinitigan ko ba yong magiging kami ulit? Kapag ba iniyakan ko ulit siya, babalikan na niya ko? At kapag tinago ko ba mga pictures namin, sasabihin niya mahal niya pa din ako? Hindi! Malaking kalokohan yon!

Kalokohan. Kaya niya nga ako iniwan kasi may iba na siya e. Kaya niya nga ako iniwan kasi binaliwala ko daw siya. Kaya siya nakipagbreak kasi daw iniwan ko siya sa ere. Kahit ang totoo, siya yong unang nangiwan sa ere!

Iniwan niya ako sa panahon na kailangang-kailangan ko ng lakas. Hindi naman niya ko pinakinggan kaya wala siyang karapatan para sumbatan ako kung bakit ko siya iniwan at pumunta sa London. Hindi naman niya ako pinakinggan e.

Napaka-ungas talaga non! Kapag nakita ko yon, never na ulit akong maiinlove sa kanya. Hindi ko na siya papansinin kapag nagkita kami.

Pagkabura ko ng mga picture namin nakareceive naman ako ng text galing kay Mica. Sa wakas! Nasend na daw niya yong file ng client namin tsaka kung anong event yong gagawin namin. Pumayag na din yong client na sa friday nalang ang meeting namin. Mabuti naman!

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon