Chapter 51: Beta

208 7 3
                                    

JANINE

Sakay ng helicopter ay bumaba kami sa unang lokasyon na sinabi ni Commander, ngunit sa kasamaang palad wala kahit isa akong nakita sa aking mga kaibigan dito sa Boulton City. Tanging ilang sira sirang sasakyan lamang ang nandirito, nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Iniwan kami ng ilang kasama namin sakay ng helicopter dahil diretso ang iba sa mga ito sa Boundary.

Nanliit ang mata ko nang may mapansin sa kalsada.

"Miss!" Tawag sa akin ng isang Army. Lumingon ako sa kung nasaan sila at nagpunta roon. Agad kong pinulot ang bagay na nakita ko sa gitna ng kalsada.

It's a broken radio. May ilang sirang radyo pa ang nagkalat dito

"Do you think Captain Gray's group owns this radios?" Tanong ng isang Army sa matigas na Ingles.

Binigay ko sa kanya ang nakita at lumibot ang tingin sa buong paligid.

"There's nothing here, we should roam to other places Miss." The army said, tumingin ako sa kanila na naghihintay ng aking sagot. Tumango ako sa mga ito at agad naman nila akong inalalayan patakbo sa naghihintay na Chopper.

Sana lang mahanap ko na sila, because I can feel that something's might going to happen. Hindi ko alam pero sobrang sikip ng pakiramdam ko hangga't hindi ko sila nakikita. Sobrang nag-aalala na ako.

Since mabilis ang byahe namin sa himpapawid ay nakarating agad kami sa Boundary, nag-aabang dito ang ilan sa mga sundalong kasama ko. Nakaparada narin ang mga Helicopter at ilan sa mga bangka na gagamitin kapag nahanap na ang mga kaibigan ko.

"We should separated into two groups." Sabi nang nagsisilbing Captain ng team.

"Miss Janine, your team will be go at the Hill. Don't go too far and we'll tour some places here. Use the car, Commander Klark just gave you two days so please do your best to find your friends even though it's impossible." He said, napakuyom ang aking kamao.

"They're still alive I can feel it." I said, he raised his brows.

"I hope so." Sagot nito, hindi na ako sumagot at agad nang dumiretso sa sasakyan, sa may likod ako umupo. There's a miracle and I'll hold on to their promises. They need to stay alive. They need to go back!

Isang takas na luha ang kumawala sa mata ko.

I'm so scared right now but I need to fight for this, for my friends. Sana lang kung nasaan man sila ngayon ay maging ligtas sila.

Hindi kami nag-aksaya ng oras at agad lumipad muli sa himpapawid upang maghanap. Nakatitig ako sa lupa nang may mamataan ang aking mata, sa may gilid ng kalsada nandoon ang isang kulay itim na Pick-Up. Maraming Aphrovila ang nasa paligid nito, nagwawala at kapwa sinusubukang makapasok sa loob.

"What's going on there?!" Sigaw ko sa mga kasama.

"Let's go down!" Sagot ng Army na nakaupo sa aking harapan.

"Maybe there's a civilian trapped there, or probably your friends Miss!" Sagot ng nagpapaandar ng Chopper.

Agad kumabog ang puso ko sa kaba.

Bahagyang binaba ang Chopper upang makababa kami sa lupa. Agaran naman naming nakuha ang atensyon ng mas maraming Aphrovila dahil sa tunog ng Chopper. Mabibilis ang mga itong nagtakbuhan sa aming direksyon, isang hudyat upang magsimulang magpaputok ang mga sundalo.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon