MYKA
Inisa isang tingnan ko ang lahat ng mga kaibigan kong kasama. Nasa field kami upang maghanda sa misyon na gagawin. Nasa malayo si Triamp at Zild kausap si General Klark, habang nasa may hamba naman ng Helicopter si Jack, nangunot ang noo ko nang makita ang nakabusangot niyang mukha. Si Janine na nasa loob ng Helicopter ay katabi ang nakapikit na si Lieutenant Kim.
Wala kaming ibang sundalo na kasama dahil kakailanganin ni General Klark ng kasama dito since ang iba sa mga sundalo ay mas kumapit kay General Hero.
Lumakad ako palapit kay Jack at sumandal sa nakaabang na Helicopter.
"Anong mayroon sa mukha mo Jack?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ako.
"Wala namang ibang mayroon sa mukha ko kundi kagwapuhan."
Umikot ang bilog sa mata ko. Bakit ba ako nagtanong pa,
Hindi nalang ako sumagot, maya maya ay natapos sa usapan sila Triamp. Agad silang nagpunta sa direksyon namin.
"Let's go." Bungad ni Triamp, isang salita upang maghanda kaming lahat.
Nagmulat ng mata si Lieutenant Kim upang magtungo sa harapan, siya kasi yung nakatalaga para magmaneho ng Helicopter.
"Myka." Tawag sa akin ni Zild sa loob, kinuha ko ang kamay niyang naghihintay sa akin para pumasok sa loob.
"Kumpleto na ba lahat ng gamit ninyo?" Tanong ni General Hero mula sa labas,
"Yes Sir." Triamp replied.
"Then settle down and be safe okay? Alam ninyo na ang dapat gawin pagdating sa Boulton City."
"No problem Boss, ako bahala sa kanila." Sagot ni Lieutenant Kim na naghahanda na sa aming paglipad.
"I'll count on you everyone." Isang saludo ang ginawa niya.
Sumaludo kaming lahat bago nag-umpisang buhayin ni Lieutenant Kim ang makina ng Helicopter. Naupo ako sa tabi ni Zild bago sinuot ang Headset, sumatutal ang mga kasama ko ngayon ay sila Zild, Triamp, Jack, Lieutenant Kim, Janine at surprisingly si Patricia na panandaliang pinakawalan ni Dr. Fin sa Medical Facility.
Si Kath at Harry naman na kasalukuyang nasa ibang misyon ay hindi nakasama.
Pinikit ko ang mata ko bago dinamdam ang hangin na unti-unting pumapaloob sa akin.
Ilang minuto pa ay nasa himpapawid na kami. Dala ng antok ay sinandal ko muna ang aking ulo sa gilid ng upuan, medyo malayo ang byahe kaya siguro naman hindi makakabawas kung matulog muna ako.
We'll going to face death again after this so I'll going to consume my time resting, hindi natin alam baka wala na akong time makapagpahinga pagdating namin doon.
"Kapag hindi mo inalis yang ulo mo sa balikat ko babalian kita ng buto." Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Pat,
"Tangina naman, labin limang minuto lang yung pahinga ko baka naman kahit kaunting idlip lang diyan sa balikat mo, oh." Napamulat ako sa boses ni Jack,
Humalukipkip ang katabi niyang si Pat bago umarko ang kilay.
"Mukha bang unan ang balikat ko?"
BINABASA MO ANG
The Safest Place
HorrorAphrovila project is the newest research project of Dr Jones's team, which hopes to develop the mortality of human beings. They will use it to test a dead body in a way that they can create a second life. But the year supposedly the perfect year of...