Chapter 12: Escape

643 24 0
                                    

Myka's POV

Isang boses ang nagpatigil sa'min. Lumingon kami sa pinanggalingan nito. Captain Hans is looking at us seriously. He's pointing his shotgun to us. Ang kanyang panga ay nagtatagis ngunit may mapaglaro syang ngisi sa labi. Nakatutok ng mariin sa'min ang kanyang baril kaya nagdala iyon ng takot sa'kin. Napakapit ako sa aking katabi.

Kapwa kami napaatras dahil sa biglaan niyang pagpapakita. Sana'y malapit na kaming makaalis kung hindi lamang siya humarang. He's really annoying, especially that grinned in his rough face. Seems like he's hungry to hurt us one by one.

"We're leaving." narinig kong sabi ni Gray.

"And do you think we will let you all to escape?" Nakakalokong sabi nya.

"Tsk. We didn't need your approval. Aalis kami dito at wala kayong magagawa." dinig kong sabi ni Zild. Gumalaw siya, doon ko napagtanto na siya pala yung nakapitan ko.

"Sige umalis kayo, pero sisiguraduhin ko na walang matitirang buhay sa inyo." sabi nya, kinuha nya ang radyong nakalagay sa gilid nang pantalon nya. Hindi niya inalis ang tingin sa'min nang may kinausap siya roon. "At the forest, I already found the cat's who can't control their curiosity." nakangising sabi nya bago binaba ang tawag. Pagkatapos ng tawag ang mas lalo siyang ngumisi.

"So children, who do you want to die first. Uhuh, I'll let you go first sharp boy. Alam mo namang nagtitimpi na lamang ako sayo." Galit na sabi niya, base sa tono sa tingin ko segundo nalang ang hinihintay nya para pigilan ang labis na pagtitimpi.

Napaatras kami nang lumakad siya palapit, kumislap ang dulo ng kaniyang hawak na shotgun habang nakatutok sa'min.

Walang nagsalita sa'min. Patuloy siya sa paglapit. "Alam ninyo kayong mga kabataan wala nang naidulot na maganda. Wala kayong kwenta, nakuha ninyo pang pakawalan ang mga Aphrovila!" He shouted.

"So inaamin mong gumagawa kayo ng mali dito sa Tent City?" Si Triamp.

Humalakhak siya. "Ang talino niyo rin naman para malaman pa iyan."

He then stepped forward.

Ilang sandali ay bigla siyang napaluhod bago uminda ng sakit. He shouted in so much pain. Hindi naman namin alam kung bakit biglaan siyang nagkaganoon.

"Fuck!"

Nasagot ang pagtataka namin nang may makita kaming gumagalaw sa lupa, mariin iyong inilawan ng aking mga kaibiga. It was an Aphrovila. Kalahati ang katawan noon habang nakahawak sa binti ni Captain Hans.

Mariin iyong pinagbabaril ng kapitan habang namimilipit sa sakit.

"Let's go!" Rinig kong sigaw ni Gray.

Wala na kaming hinintay na oras at agad na tumakbo paalis, naiwan roon ang kapitan sumisigaw, at pilit kaming pinapabalik. May nakasalubong kaming grupo nang mga sundalo kaya agad kaming nagtago. Papunta sila sa tower panigurado. O' di kaya'y sila yung tinawagan ni Captain Hans kanina. Makalipas ang aming pagtatago nakarinig kami ng mga putok nang baril, kasabay noon ang malalakas na sigawan.

Sobrang kinakabahan ako habang patuloy kami sa paglakad. Nang makalabas sa kakahuyan at makarating sa Tent city ay doon kami natigilan, nasusunog ang ilang tents habang nagsisigawan ang mga tao. They're panicking and running from their lives because the Aphrovilas is already inside, invading the whole city.

Natulos kami sa kinatatayuan.

"Damn, kasalanan ba natin ito?" Zild whispered, napailing ako.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon