Zild's POV
Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ko baka kanina pa ako napapahilamos sa mukha. I can't even take a single nap inside this fucking place. Si Gray naman ah hindi kumikibo at nakapikit, I wonder if he's sleeping. Kanina ko pa sinasamaan ng tingin ang tatlong babaeng Aphroviles na kasama namin dito.
Napalingon ako nang makita ang tatlong lalaki na naglalakad patungo sa direksyon namin. Akala ko kami ang sadya nila pero tumigil sila sa katapat na kulungan.
Naghahalakhakan ang mga ito nang buksan ang kaharap na rehas. Pagtapos ay padarag nilang kinuha ang mga babaeng kagaya namin ay nakakulong.
I can't stand seeing their faces and pleading for help kaya wala akong nagawa kundi pumikit. Umiiyak ang mga kababaihang marahas nilang kinukuha sa kulungan.
Damn it!
"We should do something. Fuck.." I whispered, napalingon ako kay Gray na kanina pa nakamulat at nakatingin sa dulong bahagi ng kulungan namin. Igting ang panga habang malamig na nakatitig sa mga kasama naming Aphroviles.
Right now, I'm fucking afraid as hell! Dahil ngayon buhay at patay na ang kalaban namin!
I called his name. "We need to get the fuck out of here.." I said.
Hindi sya kumibo. Napabuntong hininga ako at muling sinandal ang ulo sa pader.
Right now we can't do anything. Hindi namin magagawang makatakas dahil nagkalat sila sa buong lugar. Mas malala pa ang sitwasyon dahil sa mga Aphroviles, nakakatawang isipin na hindi kami makakatakas dito kung walang tutulong samin.
They even grabbed our weapons!
Nawala ako sa pag-iisip ng madinig ang mga yabag na papalapit.
Nagkatinginan kami ni Gray. Medyo dim ang paligid dahil sa sikat ng araw na galing sa mga awang ng kisame sa itaas. Tumigil ang lalaking naka hoodie sa tapat namin. For a man masasabi kong maliit ang isang to, but even though I can see that he's dangerous also.
Dahil sa hoodie sa kanyang ulo halos hindi makita ang kanyang mukha, isama pa ang itim na mask na nakatabon dito. Nakaipit sa ilalim ng kulay itim nitong jacket ang baril habang nakasabit naman sa kaniyang likod ang isang Katana.
I remembered the last time I saw him. Nung na ambush kami, and I don't know why he help us?
Tahimik siyang may kinuha mula sa kaniyang bulsa. Nanliit ang mata ko nang makita ang ilang susing hawak nilabas nito.
Walang ibang maririnig sa buong kwarto maliban sa mga Aphroviles na nagwawala. Binuksan nya ang rehas bago pumasok at sinara ulit ito. Magkatabi kami ni Gray sa left side ng kulungan at sya naman ay umupo sa harap namin.
Now what? Tutulungan ba nya kaming makatakas?
"What are you doing?" Tanong ko sa kanya, doon ito nakatitig sa mga Aphrovilang nakatali sa dulo.
Hindi sya kumibo at kinuha ang baril sa kanyang tagiliran, nakapatong ang kanang kamay nya sa tuhod bago may bagay na kinuha sa belt bag.
Silencer.
Kinabit nya ito sa baril at walang salitaang binaril sa ulo ang tatlong Aphroviles na nasa loob.
BINABASA MO ANG
The Safest Place
TerrorAphrovila project is the newest research project of Dr Jones's team, which hopes to develop the mortality of human beings. They will use it to test a dead body in a way that they can create a second life. But the year supposedly the perfect year of...