Chapter 8: Aphroviles

801 29 1
                                    

Triamp's POV

"Fuck Zild. Wag mo naman akong tapakan!" Jack silently hissed. Palihim akong napailing dahil sa inaakto nya.

Later and I wouldn't be surprise if someone caught us here. The motherfucker is too loud and irritating, maybe having him here right now is not a good idea. Hindi ako makapag focus maayos dahil may reklamo ang gago oras-oras. Daig pa ang babae kung makapag-inarte.

"Can you please shut the fuck up. Ang bagal mong loko ka naiiwan na tayo ni Triamp." Bulyaw ni Zild. Ako naman ay hindi sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa marahang paglalakad.

Hindi ko naman alam kung nasaan ba kaming parte ng Tent City. Basta ako lamang ay nagtutungo sa bawat pwesto na sa tingin ko ay safe at pwedeng pagtaguan. The whole goddamn place is absolutely not quiet. Maririnig kasi ang ingay na galing mula sa labas ng mga bakod. Mga ingay na nagpapataas sa'king balahibo dahil alam kong galing iyon sa mga taong infected. Ingay na parang naghihikahos, nahihirapan at humihingi ng tulong.

Maya't maya rin ang putok ng baril kaya ako'y naalarma.

Sa paglabas ay doon ko rin napagtanto na napakalawak pala talaga ng Tent City, and believe it or not I'm amazed because they created this temporary shelter quickly. Imagine oras lamang nang kumalat ang virus sa buong Boulton City, then nakagawa kaagad sila ng ganito.

I move stealthily and cleanly, tinitiyak na hindi makakagawa ng ingay.

"Dude saan ba kasi tayo pupunta. I'm freaking sleepy man." Tanong ni Jack, nilingon ko sya at tiningnan ng masama.

May namataan akong signage. I just find out that this is the last block, may nakalagay kasi roon na letter Z. Nagtago kami sa likod ng mga tents, hindi naman kalayuan ay may namataan akong isang gate, mula roon ay napapasadahan ko ang mga sundalo na naglalabas-masok. I waited a minute before I go and quickly exited the gate, naramdaman ko naman ang mabibigat na pagsunod sa'kin ng dalawa.

Nang makalampas sa gate ay nagtago muli kami sa mga patung-patong na drum sandaling mamataan namin ang ilang sundalo na paparating. Mula sa hindi kalayuan, mayroon pang isang gate. Ang kabilang bakod nito ay napapalibutan na ng mga puno. Ngunit sa tingin ko hindi naman delikado room dahil sakop parin ito ng buong Tent City.

"Anuna mga tol?" Tanong ni Jack.

Nilingon ko ang dalawa matapos tingnan ang mga dumaraang sundalo.

"Labas tayo dun. Tingnan natin kung anong mayroon." Suhestyon ko sa dalawa. Mula sa sinag ng ilaw sa bawat poste doon ko naaninagan ang pagtaas ng kilay ni Jack, while Zild silently nodded.

"Why do we need to do that. Mahuhuli nila tayo can't you see the army is guarding the way." Jack replied.

"Edi maghintay tayo, maya-maya aalis din iyang mga yan. Busy sila sa pagbabantay sa buong Tent City." Sabi ni Zild.

"Oh, sige. Paano kung walang umalis sa kanila. Uumagahin tayo dito mga tanga." Inis na sabi ni Jack.

Umingos ako, gago talaga ang isang ito. "Gusto mo bumalik, go ahead. Siraulo ka para kang mahinhin na babae kung magreklamo."

Napakalaking tao, pero reklamador.

"Tol naman, ayoko lang na mahuli tayo. Tingnan nyo yung mga hawak nilang rifle. Pwede nang pang-salvage sa'tin."

"Gago, kapag nahuli tayo ikaw lang ang isa-salvage. Sa bagal mong kumilos maiiwan ka." Sagot ko.

"Tarantado manahimik kayo. O, baka gusto ninyong ako ang sumalvage sa inyong dalawa!" Mahinang saway ni Zild. Kunot na kunot ang noo nito, habang ang makakapal naman niyang kilay ay iritadong magkasalubong.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon