Chapter 35: Traitor

324 14 0
                                    

Zild's POV

Nagising ako nang nakatali ang kamay at paa. Minulat ko ang mga mata ko sa madilim na kwarto, langhap ko rin ang masangsang na amoy na kinalalagyan ko. I tried to move but I winced in pain because of my back, sobrang sakit din ng ulo ko dala siguro ng paghampas sa'kin kanina.

I tried to look around but I can't see anyone instead of darkness, isang ingay ang narinig ko kaya agad akong naalarma. Tumama ang ilaw sa mukha ko dahil sa biglaang pagbukas ng pinto, I close my eye's because of the light.

Mga tunog nang paglalakad ang narinig ko pagkatapos ay ang paghila sa'kin nang padarag.

Damn!

Napamura ako sa sakit ng katawan at sa marahas na paghawak sa'kin ng kung sino man.

They drag me outside and this time I saw their faces, lalong lalo na ang mukha ni Delta na hinding hindi ko makakalimutan.

He's smirking at me and God knows how much I wanted to punch that fucking face of him.

"Good to see you again Zild."

Nakangising sabi nya, tinanggal ng isa niyang kasama ang tali sa aking mga paa para makatayo ako ng maayos.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Tarantado ka."  Walang emosyong sagot ko, lalong lumapad ang ngisi ng gago.

"Thank you for the compliment." Mala demonyong sabi nito, ngayong nakita ko ang mukha nya sa malapitan ay kitang-kitang ko ang itim sa ilalim ng kanyang mata. Fucking drug lord.

I decided not to talk dahil baka kung ano pa ang gawin nya sa'kin. Humalakhak sya nang samaan ko lang sya ng tingin. Pagkatapos ay hinila ako ng dalawang lalaki, nasa unahan sya kasunod kami. Dumaan kami sa maliit na hallway bago lumiko at bumaba sa hagdan na gawa sa bakal. Habang paibaba ng paibaba ay naririnig ko ang malalakas na ingay na hindi ko alam kung saan galing.

Sa tingin ko nasa lumang istasyon kami ng Pulis dahil sa daming rehas na nandirito.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa madaanan namin ang ilang rehas na may lamang Aphroviles. Sanay na ako sa mga ganitong eksena na nagkakagulo sila sa mga lamang loob ng tao. Ngunit Iba ang sitwasyon ngayon dahil may ilang babaeng buhay at hubo't hubad na nakagapos kasama ang mga Aphrovilang nakakulong. Kaya pala sobrang ingay dahil sa hiyaw ng mga babaeng kinakain ng buhay.

Lalong kumalat ang panginginig ng galit sa aking sistema dahil sa nasasaksihan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at lumampas sa kurtinang gawa sa plastik. Doon ako nagulat nang makakita ng ilang makina at sa gilid nito naroon ang babaeng naging sanhi ng kaguluhang naganap.

Si Dr. Jones katabi ang isa pang matandang lalaki habang napapagitnaan nila ang isang hospital bed na may nakaratay na katawan ng tao. Walang malay ang lalaking iyon' habang tinuturukan ng dalawa. Nakagapos ang paa't kamay at nakatali ang bibig.

Mayroon pang ilan sa mga Aphroviles na nakagapos sa gilid.

Kaya pala, kaya pala dumarami na naman ang mga Aphrovila dahil sila ang may pakana.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon