Chapter 32: Awake

402 13 1
                                    

Here's my Christmas gift for y'all. Happy holidays and Merry Christmas 🎄✨. Happy reading 💗

Myka's POV

I receive a call galing sa radyo ko, sugatan at nabawasan ang aming mga kasamahan dahil sa ginawang pananambang ng mga kalaban sa mga kaibigan ko. While driving shakily hindi maalis sa isip ko ang mga kaguluhan, I heard from my team na marami daw ang sugatan at namatay sa ambush na naganap.

I parked the car infront of the Military Clinic. Agad akong bumaba at tumakbo papasok sa loob ng clinic. Naabutan ko ang mga ginagamot kong kasamahan, ang iba ay nakahiga sa hospital bed at ang iba ay nilalagyan ng benda sa kanilang ulo.

I scan the whole place and saw my friends. Naglakad ako papunta sa kanila, Kath saw me first, she has no bruises marahil ay hindi sya kasama. Napalingon ako kay Zild na nakaupo sa bed, ginagamot ng isang nurse ang kanyang kanan na hita. I heaved a deep sigh. May mga sugat sya sa kanyang mukha at putok ang pang-ibabang labi.

Naiiyak na lumapit ako sa kaniya.

"Anong nangyari?" Agad kong tanong, my voice is shaking because of so much anger.

Nagpaalam sa amin si Kath na aasikasuhin yung iba pang sugatan.

Sumandal ito sa pader bago tinitigan ang kaniyang mga sugat.

"Mabuti nalang at hindi ka kasama kanina." Pagkatapos ay marahan niyang minasahe ang panga.

Pinalis ko ang luhang tumulo sa pisngi. "And thank God na hindi kayo napahamak ng lubos, by the way where's Gray?" I asked and look around.

"Kausap si Klark." tanging sagot nya at lumingon sa paligid. Tumitig naman ako sa pagod nyang mukha. 

"Yung mga taong nakaitim sila na naman ba gumawa nyan sa inyo?" Tanong ko.

Marahas itong nagbuntong hininga.

"Oo, at kung naagapan lang namin kaagad. We can still save our other allies, buhay pa sana sila ngayon." Nagtatagis ang bagang na sabi niya,

"Hindi ko na alam Zild. Narinig ko rin na may napatay na naman kayong mga Aphrovila?" I said,

"Yeah, unfortunately."

Bumaba ang tingin ko sa putok niyang labi.

"Who did that?" I asked.

Lumingon sya sa'kin na kunot ang noo, bakas ang matinding galit ng maalala ang taong gumawa nito sa kanya.

"That fucking Delta, kapag ako naka-recover kaagad. Kauna-unahan siya sa listahan ko. Tang'na hindi marunong lumaban ng patas!" He exclaimed, kunot na kunot ang makapal nitong kilay.

Nalulungkot na tinitigan ko ito. I can't say anything, kahit ano namang sabihin ko hindi parin nito mababago ang sitwasyon namin ngayon. All we could do right now is to pray and wish that all of this will eventually stop soon.

Marami pa akong tinanong sa kanya about sa nangyari. Tunay ngang delikado ang mga taong iyon', sinabi rin nya sa'kin na yung tungkol doon sa taong naka-hoodie, hindi ko alam pero sa sandaling iyon' nagkaroon ako ng interes sa kaniya. May isang parte sa'kin na gusto kong malaman kung sino ba ang taong ito.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon