Zild's POV
Dumating si Gray at agad na ininspeksyon ang nakita ko, nagdesisyon kaming huwag nang patuloy na lumabas sa gubat para sundan ang bakas because it should take some risks. Naglagay nalang kami ng mga taong magbabantay sa parteng iyon ng warehouse para alamin kung may iba pang misteryong nababalot don.
Kasalukuyan kaming nagbabyahe papunta sa ibang store para kumuha ng mga armas. Tahimik ako habang nagmamaneho at nakasunod sa Wrangler nila Gray sa unahan, sa may coast ang punta namin dahil napag-alaman namin na may isa pang store ng mga armas doon.
Mula sa aking malalim na pag-iisip ay isang mabilis pagpreno ang ginawa ko nang biglaang bumulusok pabalik ang isa naming Truck.
"Tangina!" Agad kong minani-obra ang sasakyan patagilid para iwasan ito, good thing that I had to do that fast if not, I'll go crash here inside!
Mabilis kong kinuha ang baril sa passengers seat ng aking sasakyan bago lumabas. Nakita ko ang aking mga kasamahan na pumosisyon sa gilid, mas naalerto ako nang may marinig na akong putok ng mga baril, sunod sunod ang mga ito. I tried to hide myself and look for the right spot to fire back. Kagaya ng nakaraan, ang mga nakaitim na rebelde na naman ang nakita ko sa unahan.
Damn these assholes!
"Gago!" Sigaw ko nang makitang pinaputukan nila kami,
Tumunog ang radyo sa aking baywang.
"Sa gubat kayo Zild, they're ambushing us!" Galit na sigaw ni Gray sa kabilang linya.
"Copy!" Sagot ko bago sinenyasan ang mga kalapit kong tao na sumunod sa'kin, habang patuloy na nagpapaulan ng bala ang kalaban ay dumaan kami sa tumaob naming Truck upang maging harang papasok sa gubat.
Mabilis ang aming kilos, nang makitang may mga kalaban ay mabilis ko silang pinaulanan ng bala. Sumandal ako sa likod ng puno pagkatapos ay sumenyas sa'king mga tao na pumalibot, isang sulyap ang ginawa ko mula dito ay kita ko ang mga kalaban sa hindi kalayuan. Nakaharang ang mga motor nila sa gitna ng kalsada, I saw some familiar faces, yung mga nakaharap namin nang nakaraan. May bago silang kasamahan, isang maliit na lalaking nakasuot ng hoodie. Hindii kita ang mukha nito dahil sa itim na face mask, may takip na eyepatch ang kaliwang mata. Sa kanan nitong kamay naroon ang puro dugong Katana.
"We can't make it Gray, we should retreat. Patay na yung mga nakasakay sa Truck!" Mariin kong sigaw sa kaniya sa radyo habang nagpapaulan ng bala.
"Goddamn it!" Narinig kong sigaw nya.
"Aaaaccck!" Hindi ko na nagawang makasagot nang lumingon ako sa kanan ko. Nagtayuan ang balahibo ko nang makita ang mga Aphrovilang nagtatakbuhan sa gawin namin.
The sounds of gunshots, damn!
"Shit!" Sigaw ko at mabilis na pinaulanan nang bala ang mga malapit nang makaabot sa'kin. I saw my other men firing them, napailing nalang ako ng makita ang iba kong tao na kinuyog ng mga Aphroviles at hindi na nagawang pumalag.
Napamura ako't mabilis na umalis sa'king pwesto palabas ng gubat, sumenyas ako sa iba na sumunod sakin.
"Gray! The Aphroviles are here! We need to get out!" This isn't our plan, lalo na kung kulang na kulang kami sa mga armas shit!
BINABASA MO ANG
The Safest Place
TerrorAphrovila project is the newest research project of Dr Jones's team, which hopes to develop the mortality of human beings. They will use it to test a dead body in a way that they can create a second life. But the year supposedly the perfect year of...