Chapter 63: Vertigo

95 5 1
                                    

JACK

Mabilis ang paghinga ko nang sumalampak ako sa sofa dito sa Army house. Dumiretso ako dito pagkatapos ng misyon namin habang sila Triamp naman ay nagreport kay General Klark sa HQ. Nakakapagtaka lang dahil sino na naman itong mga tao na nakaengkwentro namin roon. Hindi mawala yung kaba sa akin dahil naalala ko na naman yung grupo nila Ash dati. It's been a year but the disaster they brought to us is still in my head.

Pero gago! Sino ba naman kasi ang makakalimot ng mga ganoong pangyayari. Hiniling ko nga na sana naging Aphrovila o namatay na lang si Ash. Kahit kapatid pa siya ni Gray, hindi parin noon mababago na isa siyang masamang tao. Yung mga nasaksihan ko nang madampot nila ako, yung panggagago nila sa mga tao. Lahat iyon' walang kapatawaran.

Dumausdos ako sa sofa hanggang sa likod ko na yung nakaupo rito, nakalaylay ang paa ko sa sahig at tamad na tumitig sa kisame. Sobrang tahimik ng buong bahay, nakakaantok.

"What's with that look."

Napalingon ako sa pintuan at nakita roon si Patricia. Nakasabit pa yung Lab gown sa kaniyang balikat may hawak naman itong bond paper sa kanan niyang kamay.

Umayos ako ng upo bago naghikab.

Marahil mukha akong tanga kanina nang madatnan niya! Tsk, bawas pogi points pa ako gago!

"Kadarating mo lang?" Tanong ko nang dumiretso ito sa lamesang nasa harapan ko, doon niya pinatong ang Lab gown at mga papel na dala bago naupo sa kaharap kong sofa.

"Obviously and I'm tired." Sabi niya bago sinandal ang ulo sa sandalan ng upuan.

I can see dark circles under her eyes.

"How about you? You look shit as always."

Ginulo ko ang aking buhok bago muling sumandal sa sofa.

"Alam kong gwapo ako, no big deal." Sagot ko,

Inirapan niya ako. "Yeah, you're gago."

Tumawa ako.

"Aside kidding we're just came from our mission."

"Alam ko naman na palagi kayong nasa misyon at alam ko din na mukha kang stress sa araw-araw na ginagawa ninyo. Pero iba yung haggard mo ngayon, mukha kang napaglipasan na ng panahon." Simpleng sabi niya,

Aba at kailan pa natutong mang-asar ang babaeng ito.

Napailing ako't mas lalong natawa.

"Grabe din yung awra mo ngayon Mars, kailan mo pa natutuhan mang-asar, balita ko kasi sa dami ng ginagawa ninyo sa Medical Facility wala na kayong time sa ibang bagay." Pambabara ko,

Pinanliitan niya ako ng mata bago tinaasan ng kilay.

"May pakiramdam parin kami gago! So ano nga? Bakit mukha kang stress diyan kanina?" Tanong niya,

"May nangyari lang habang nasa misyon kami." Sagot ko,

She held some strands of her hair at place it behind her ears.

"Uhuh, palagi namang may nangyayari. Expected ko na yun."

Well ako rin naman, pero yung mga goons kanina medyo hindi ko inaasahan iyon.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon