Chapter 52: Aphrovila.V

217 9 0
                                    

ASH

I was holding my left stomach while running inside the woods, fuck that Gamma for still having her life. And fuck all of them. I groaned from pain when I cough, blood drips into my mouth, my sight is also blurred. Napalingon ako sa kanan kong braso, inis na sinira ko ang tela ng suot kong damit bago pinakatitigan ang sariwang sugat doon dulot ng mga Aphrovila sa labas ng Nursery School. Dahil sa maling galaw lamang nagawa akong puruhan ng mga bobong Aphroviles na iyon'. Sa kagustuhan kong mapasok ang dalawang tarantadong iyon' ay nakalaban ko ang mas maraming nakaabang na Aphrovila.

Nagtagis ang bagang ko dahil sa galit.

Hindi ito pwede!

Hindi nila ako pwedeng takbuhan nalang ng ganito. Hindi sila pwedeng makaalis habang ako at ang lahat ng mga pinaghirapan kong maagaw sa kanila ay sa ganito na lamang matatapos.

Hindi ako makakapayag!

Muli akong umubo ng dugo. Nanghihina ang buo kong katawan. Naupo ako sa gilid ng pinakamalapit na puno at gigil na inilabas ang isang maliit na bote sa aking bulsa. Gamit ang nanginginig na kamay muli akong humugot sa kabila kong bulsa, doon ay nilabas ko ang syringe at ginamit ito upang kuhanin ang laman ng bote.

Wala pang label ang isang ito. Plano sana namin na matapos ang paggawa nito pero ang tarantadong Gamma na iyon' ay pinasabog ang tangke sa loob ng aming kuta. Nasunog ang mga kalapit na bahay kasama na ang mga pinaglalagyan ng Vertigo.

Habang pinupuno ito ay nagtutuluan ang pinaghalong laway at dugo sa aking bibig.

"Damn..." Galit na anas ko, nang matapos ay basta ko na lamang tinapon ang walang laman na bote sa kung saan at walang pasabi na tinurok ang syringe sa aking braso. Huminga ako ng malalim bago sumandal sa puno, inubos ko ang laman pagkatapos ay tinapon ang syringe.

Sandali akong pumikit at pinakiramdaman ang sarili.

"This Vertigo is classified as one of the dangerous vaccines, you'll probably get high when you inserted this into your body. But using the help of Villa Toxic, this would be possible as the cure..."

Naalala ko ang mga pinaliwanag ni Dr. Jones sa amin noon. Hindi pa tapos ang vaccine na ito pero wala akong pakialam. Hindi ako pwedeng mamatay ngayon, kailangan ko pang gumanti sa mga putang inang iyon.

Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang maramdaman ko ang pinaghalong init at sakit na namumuo sa loob ng aking katawan. Agad iyong nasundan ng nakakanginig na hapdi sa aking bawat laman. Hindi ko nakayanan at napahiyaw ako sa sakit.

"ACCCCCK!"

Humandusay ako sa lupa at namilipit.

This is fucking torture! I didn't excepted this side effects.

Parang hinihiwa ang bawat kalamnan ko sa sobrang kirot. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagpintig ng ugat sa aking katawan, at halos hindi na ako makahinga dahil sa tripleng bilis ng tibok nang aking puso.

Muli akong sumuka ng dugo at kahit nanlalabo ang aking mata'y nakita ko kung paano gumapang ang malalaki at itim na itim na ugat sa aking braso pataas sa leeg.

F-Fuck?

Hindi tumalab!

"N-NO F-FUCK!"

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon