Misty's POV
Madilim na nang huminto ang truck na sinasakyan namin. Inalalayan kong tumayo si Gray. Bumungad samin ang magulong paligid. Hindi ko alam kung nasaan kami pero base sa nakikita ko wala kami sa loob ng Boulton City. Mula dito sa taas ng Truck kita kong malawak ang buong lugar, maraming nakatayong puting tent sa loob ng malawak na gate, napapalibutan ito ng napakaraming sundalo.
Kitang-kita rin na wala basta bastang makakapasok dito dahil sa mataas na bakod na nakapalibot sa buong lugar, maliwanag ang buong paligid dahil sa mga ilaw galing sa mga nakatayong poste, ang mga ito ay nakapuwesto sa bawat sulok ng paligid.
Nagsimulang bumaba ang mga tao na kasama namin sa Truck, pagbaba naman ay may nakaabang doon na mga sundalo upang mag-assists.
"Follow the line and don't make any noise." Wika ng isang sundalo sandaling makababa kami sa sasakyan, akmang susunod ako nang humigpit ang kapit sa'kin ni Gray.
"What's with the line?" Gray seriously asked, ang naka unipormadong lalaki ay mariin kaming tiningnan. His gaze dropped from Gray's shoulder.
"The President ordered us to check the every civilians who's entering the Tent City. Bago pumasok ay sine-secure ang bawat tao." Seryosong sagot niya. "Napano iyan?" Dugtong nito bago mariing pinsadahan ang balikat ng kasama ko.
May pagdududa sa kaniyang mga mata.
Sa kaba ko na baka pagkamalan si Gray na infected ay ako ang sumagot. "Uhm, nadaplisan lang po ng baril kanina."
"Ipatingin nyo iyan bago pumasok. Hala, sige pumila na kayo!" Sagot nya.
Tumango ako, kapagkuwan ay hinila ko si Gray paalis doon. I took a final glance into the man, sinundan nya kami ng tingin bago may kinausap sa earpiece na suot.
May dalawang pila, magkahiwalay ang lalaki at babae. Pumila kaming dalawa at sumunod sa mga tao na nasa unahan. Magkatapat kaming dalawa at sinisiguradong hindi nalalayo sa isa't isa. I look at him, his serious gaze met mine.
"Are you okay?" Tanong nya.
Magiging okay ba ako sa ganitong sitwasyon. Wala kaming ideya sa nangyayari sa mundo, isa pa nawalan ako ng tatay. Masasabi ko bang okay ako?
Alam kong nag-aalala siya kaya tumango nalang ako.
Hindi siya kumbinsido sa naging pagtango ko ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Kapagkuwan ay pareho kaming tahimik na tumingin sa unahan ng pila.
Biglaang pumasok sa isip ko yung mga kaibigan namin. Nasaan na kaya sila at ano na kayang lagay nila. I can't help but to get worried.
Hindi nagtagal at umusad ng umusad ang pila hanggang sa makarating kami sa bungad ng Tent City. Maraming sundalo ang nakabantay dito. Sa gitna ng entrance maraming mga Medical Staffs ang sumalubong sa'min, kapwa nakasuot ang mga ito ng Personal Protective Equipment.
They're checking each person. Nilingon ko si Gray sandaling kami na ang susuriin. He just gave me a look then afterwards we parted our ways because the boys and girls must needed to check separately.
The Staffs guided me the way. Then she gestured me to enter inside the Tent. Eyes widen and I saw those other girls inside. Kapwa mga walang saplot ang mga iyon habang sinusuri kaya napalunok ako.
Ang nagsisilbing harang lamang mula doon sa mga babaeng nakapila ay isang transparent na kurtina. I saw how those staffs checked the girls.
BINABASA MO ANG
The Safest Place
HorrorAphrovila project is the newest research project of Dr Jones's team, which hopes to develop the mortality of human beings. They will use it to test a dead body in a way that they can create a second life. But the year supposedly the perfect year of...