Chapter 68: Cornered

57 1 0
                                    

Triamp

We prepared our weapons early for our return to ground zero where the outbreak began, the Western Boulton Laboratory.  I looked at Wind. He was sitting on the steps of the terrace while wiping the knife in his hand. Nasa tapat kami ng bahay dahil hinihintay nalang namin na bumalik sila Lieutenant Kim. Nakalatag naman sa unahan ng aming sasakyan ang mga baril at kutsilyo na gagamitin namin. Inisa isa ko nang lagyan ng bala ang pistol, shotgun and rifle na mayroon ako. Sila Patricia, Myka at Janine naman ay nasa loob ng bahay, inaayos ang mga Medical Equipments na kailangan namin.

"Gaano pa katagal ang mga kasama mo?" Nilingon ko si Wind,

Lumakad ito sa tabi ko, nakasukbit na sa kaniyang likod ang itim nitong bagpack.

I looked at my watch. "Eight hundred, that's the call time. They left five in the morning."

"As early as we could dapat naroon na tayo, or else Aphrovilas will be in our way."

"Kahit anong oras pa tayo pumunta doon, they're always be in our way." I heaved a sigh,

"No, you don't understand me. They're agile and starving as fuck. Ilang taon silang hindi nakakita ng living human. I bet they're freaking hungry to taste human flesh again." Sabi niya,

Kinasa ko ang baril na hawak. "And I bet they're also fragile."

Sumandal ito sa sasakyan at hindi na nagsalita, ako naman ay isa-isang nilagay sa bag ang mga baril. Lumabas sila Myka sa bahay bitbit ang ilang gamit laman ang mga gamot at pagkain. Hindi nagtagal nakita ko na ang sasakyan nila Zild.

Mabilis itong pumarada sa gilid ng aming sasakyan at isa-isang bumaba ang mga sakay nito. Nagsalubong ang aking kilay nang kasunod bumaba ni Zild mula sa backseat ang isang madungis na babae.

"Before we proceed, she needs to clean up." Sabi ni Lieutenant Kim, "I also need to tell things."

"Who is she?" Tanong ko kay Zild nang makalapit sa amin.

She looks scared, madumi ang hitsura niya. Magulo ang buhok at walang suot na sapin sa paa.

"Long story bro," Nakapamaywang na sabi ni Jack.

Inalalayan ni Janine ang babae, "Kami na ang bahala sa kaniya-

"I-Ivan?"

Lahat kami napatingin kay Wind nang magsalita, lumuluha ito habang nakatitig sa babaeng kasama nila Jack.

"K-Kuya!" Umiiyak na sigaw ng babae, tumakbo ito kay Wind at mahigpit na yumakap.

Okay?

"D-Did we just witnessed a reunion?" Bulong ni Pat.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, the girl that they saved is Wind's sister. Siya ang sinasabi nito na matagal nang binabalikan sa Boulton Laboratory. Nasabi rin nila na nakasama nito si Gray at ang pagkawala nito nang sundan ang grupong sinabi ni Lieutenant Kim.

The Genesis.

I don't know about them, but she told us that this group is a mafia association that we need to be careful of. The Genesis is maybe the reason behind these things, the Aphrovilas are back and for now, they're typically regenerating those monsters the reason why they're agile. Marahil mga kasama din nila ang nakasagupa namin noong nakaraan.

While driving I can't help myself for being angry. Alam ko na sa una palang na pagbalik namin hindi na magiging madali ang lahat.

Bumuga ako ng marahas na hangin. Ilang oras kami sa biyahe at hindi nagtagal ay nakarating na sa pakay. Sakay kami ng dalawang sasakyan, ang kasama ko ngayon ay sila Janine, Jack, at Myka. Nasa kabilang sasakyan si Patricia, Zild, Lieutenant Kim at sila Wind at kapatid nitong si Ivan.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon