Myka's POV
Pasikat na ang araw nang makarating kami sa destinasyon. Gaya ng mga nakaraang napagusapan namin sa assembly dito sa second base kami sa Hill nagpunta, walang barriers na nakakapagprotekta sa'min dito laban sa mga Aphroviles, tanging pinagdikit dikit na tali na may lata lamang ang nagkokonekta samin dito sa loob at sa labas. Ang mga nasagip na civilian ay pinanatili parin sa loob ng mga sasakyan dahil hindi pa ligtas.
Nakita ko ang ilan sa aming mga kasamahan pero kahit isa walang Gray at Zild akong nakita.
Napahinga ako ng malalim dahil kanina ko parin tinatawagan ang radyo nila pero walang sumasagot. Hindi mawala ang kaba at takot ko dahil simula pa kanina nang makaalis kami sa City ay wala na akong nakausap kahit isa sa kanila.
Humilig ako sa gilid ng aking sasakyan nang maramdaman ako na may tumabi sa'kin. Alam kong natatakot parin sya sa nangyayari but I'm thankful na hindi katulad nang mga nakaraang araw ay medyo okay na sya at hindi na masyadong nagpa-panic.
"Sumagot na ba sila?" Tanong ni Jack, tulad ko ay nakatingin din sya sa mga Army na nag-aasikaso ng mga tao.
"Hindi pa nga, eh. Kinakabahan na ako." Sagot ko, narinig ko ang malalim na buntong hininga nya bago nagsalita.
"I need to tell you something." He said,
Napatingin ako sa kanya, malalim ang iniisip na tila nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang gumugulo sa kanya.
Nangunot ang noo ko. "What is it?" Tanong ko, he looks at me worredly.
"T-Tungkol kay A-Alpha.." Kinakabahang sabi nya, nawala ang pagkakasandal ko sa sasakyan at tumayo ng tuwid siyang hinarap.
"Alpha?" Naguguluhang tanong ko, lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa takot at kaba.
Siguradong sobrang delikado ng mga taong ito dahil nagawa nilang idamay lahat ng inosente at wala namang kinalaman sa kung ano man ang pakay nila sa amin.
He gulp and after a second sumagot sya. "I...it's his brother." Sabi nya, naguluhan ako at lalong nangunot ang noo.
"Who?" I asked. Tumingin sya sa'kin ng seryoso. Kunot na kunot ang kaniyang makapal na kilay.
"S-Si.......Ash."
My breath stop the moment he said that name. Tumaas ang balahibo ko at umiling.
Hindi makapaniwala,
How'd that happened?
"Imposible.." I whispered, malungkot syang tumingin sa'kin.
Nangilid ang luha ko, how dare he do that!
"I'm telling you the truth, siya ang may gawa ng lahat nang ito. Para gumanti kay Gray." Mahinang sabi nya na kinabagsak ng luha ko.
"Siya ang leader ng mga rebelde Myka. Hindi ako pwedeng magkamali, nakaharap ko siya. Delikado kumpara sa dating siya na kilala natin. He's a monster Myka..." Mahabang paliwanag niya.
Umiling ako, imposible dahil ang alam ko matagal na siyang patay... how could you Ash. Pano mo nagawa lahat ng ito?
BINABASA MO ANG
The Safest Place
TerrorAphrovila project is the newest research project of Dr Jones's team, which hopes to develop the mortality of human beings. They will use it to test a dead body in a way that they can create a second life. But the year supposedly the perfect year of...