Chapter 5: OUTBREAK:1.2

954 33 2
                                    

Zild's POV

Isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumabagabag sa'kin habang papalapit kami sa bahay. But this isn't the right time to get coward, Yes I'm afraid because I witnessed this unpredictable happenings in my life. Daig pa namin ang sumabak sa World War Two dahil sa mga nangyayari. Or I rather say that we're now facing the so called end of the world. Sounds funny, but it's happening now.

Lumingon ako kay Myka. Good thing dahil hindi na sya umiiyak but I know deep inside she's suffering from pain and longing for her parents. And maybe if that also happens to me hindi ko rin alam ang gagawin ko but I needed to be brave.

My parents needs me the more I am. Mabilis kaming nakarating sa tapat ng bahay namin. Hindi kalayuan naman ay may isang bahay na natutupok ng apoy. Napailing ako't pinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Dito ka nalang." I said.

"Are you sure? Baka kailangan mo ng tulong." She said, mugto pa ang mata nito.

Mabilis akong umiling bago kinuha ang bag. Mas mabuti nalang na maiwan sya, alam kong hindi pa nya kayang maka encounter ng ibang pangyayari, I'm very much worried to her. Inabot ko sa bulsa ng bag ko ang cellphone tsaka nag-dial ng numero.

Her phone rang in her bag, kunot noo nya akong tiningnan.

"Mabuti naman may connection pa ang cellphone's. In case na may mangyari tawagan mo ako. Mabilis lang to promise." seryosong sabi ko tsaka binulsa ang cellphone.

"Stay safe okay." sagot nya. Ibang klase, kanina lamang ay ako ang nagsabi ng linya na iyon.

I just nodded and exited the car.

"Lock the door." Paalala ko sa kaniya bago tinakbo ang gate ng bahay namin. Dismayado ako nang makita na nakakandado ito mula sa loob.

I have no choice but to climb up the wall. Hindi naman ito masyadong mataas kaya mabilis akong nakatawid at nakapasok sa bakuran ng bahay. Sandaling makapasok ay agad kong binuksan ang gate in case na may mangyari. Sarado ang main door ng bahay. Tahimik din dito.

Dumiretso muna ako sa garahe to check kung nandun ang sasakyan namin pero ganun nalang ang gulat ko sa tumambad doon.

Napakaraming dugo na nagkalat sa floor ng garahe. Wala ang sasakyan namin kaya mas lalo akong kinabahan. Mabilis kong siniksik sa likod ng pantalon ko ang kutsilyong ginamit ko kanina para protektahan ang sarili ko sa mommy ni Myka.

That time hindi ko alam ang gagawin ko sandaling bigla akong sinugod ng nanay nya. Close ako kay tita kaya nagtatalo pa ang isip ko sa gagawin. Nang magkagulo ay nilabanan ko nalang sya at tumakbo paalis.

Pagkatapos maisiksik ang kutsilyo sa likod ng pantalon ay kinuha ko ang nakapatong na tubo sa ibabaw ng malaking tool box ni Dad. Napatingin ako sa nagkalat na dugo sa sahig. Malalaking patak ito kaya sinundan ko. Tumigil ako sa tapat ng nakaawang na pinto. This is the door from our kitchen.

Huminga ako ng malalim tsaka dahan dahang binuksan ang pinto. Nakaposisyon ang hawak kong tubo. The moment I entered the kitchen, the ransacked place met my gaze. Nagkalat ang mga kitchen utensils sa sahig. Mga basag na plato at baso. Mas lalo akong kinain ng kaba pero buong tapang akong pumasok.

The whole house is quiet, I gulp because I can feel the tension intensified through my body. Malamig pero tagaktak ang pawis sa'king noo.

Walang kahit na anong ingay. Dahan dahan akong lumakad sa may kitchen counter. Ingat na ingat ako na wag makalikha ng anumang ingay. Nang sandaling makalampas ako sa kusina sunod na nagtungo ako sa sala ng bahay. Like the kitchen, the living room is also messed up.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon