Myka's POV
Maaga kaming nagising ngayon dahil ito ang araw kung san hahayaan na daw na magkasama ang girls and boys. Excited na rin ako dahil sa araw na ding ito makukumpleto na kaming magkakaibigan, pagkatapos ng halos magulong kaganapan at sa wakas makikita na muli namin ang iba. Naabutan ko si Janine na nakaupo sa foam bed nya habang nakatulala. Hawak nya rin yung plastic bag na nakapatong kahapon sa bed. May laman itong ilan na hygiene equipment at mga pares ng damit. Hindi rin naman namin nagamit dahil sa tingin ko madalian lamang na nilagay ang mga iyon, ang iba'y loose shirt pa.
I stood up from my bed walked towards her, naupo ako sa kaniyang tabi.
"Okay ka lang?" I asked.
Tumango ito. "May naalala lang ako." She replied.
Siguro naalala lamang nya ang mga magulang. Gaya ko ay nadatnan nya sa kanilang bahay na wala na ang mga itong buhay, when she's telling the whole story I can't help but to cry also. We have the same feelings, and comforting her is the best way that I could do.
"Kasi naman, mahirap Myka. Ang hirap isipin na wala na sila." May tumulong luha sa kaniyang mga mata. Biglaan ay bumigat ang pakiramdam ko, kagigising ko lang pero heto, hindi kaagad maganda ang bungad ng umaga sa'kin.
Hinagod ko ang likod nya.
"I know, I understand." I said and hugged her tightly. Doon siya tahimik na nagpakawala ng luha sa'king bisig. I let her.
Maya-maya ay umayos siya ng upo bago pinunasan ang mukha. Ang ilong ay namumula pa. Suminghot-singhot sya at inayos ang sarili.
"Sorry, hindi ko lang napigilan." She said, her voice is hoarse.
I smiled, just to ease her pain. "It's okay, sabi ko nga pareho lang tayo ng nararamdaman. Basta wag mo lang kakalimutan na nandito pa kami. Sama-sama tayo, malalampasan din natin ito." I gave her an assurance, even though me by myself didn't know what gonna happen next.
Tumango siya. Kapagkuwan ay lumabas kami ng tent, maraming tao na ang naroon.
"Nasaan si Patricia?" Tanong ko sa kaniya, nakatayo kami sa tapat ng aming tent.
"Sabi nya doon daw muna siya sa relatives niya. Mabuti din iyon, para makasama niya ang pamilya niya." Sagot niya. Tumango ako,
Hindi naman iyon nagtagal dahil muling dumating si Pat, may bitbit siyang tatlong supot. Laman daw noon ay pagkain, kapagkuwan ay bumalik kami sa loob ng tent para mag-agahan. Habang kumakain ay doon ko naman naalala si Misty. Sinabi ko sa kanila na nakita ko siya kahapon kaya hindi maawat ang saya sa kanilang mukha, pati ako'y naeexcite sa muli naming pagkikita.
"I'm excited. Akala ko naman napano na siya, mabuti na lamang ay ligtas din sila." Masayang sabi ni Janine.
"Naku, knowing Gray. I know he won't let those retards lay their dirty fingers on her." Sagot ni Pat.
"Dalian na nating kumain para magkita kita na tayo" Sabi ko, mabilis ang kilos namin at nang makatapos ay lumabas kami ng tent. Nagtungo kami roon sa lugar na pinagkitaan ko sa kaniya, hindi naman kami nadismaya dahil agad ko siyang nakita roon. Nakatayo kasama si Ate Levi at Shane.
"Misty!" Masayang tawag ko sa kaniya, nilingon nya kami. Her face appeared a wide smile afterwards. Masayang tumakbo siya palapit sa amin at yumakap.
"Girl we miss you!" Patricia said.
"Grabe, parang sasabog ang puso ko sa saya. Nakakatuwa." Misty replied.
"Grabe Misty namiss kita."Janine said.
BINABASA MO ANG
The Safest Place
HorrorAphrovila project is the newest research project of Dr Jones's team, which hopes to develop the mortality of human beings. They will use it to test a dead body in a way that they can create a second life. But the year supposedly the perfect year of...