Chapter 30: Blood

334 14 0
                                    

Zild's POV

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Simon. Tama nga sila nang sinabi na nandito si Jack, pero nang dumating kami ay wala siyang malay. Puno siya ng galos at sugat sa buong katawan. I couldn't look at his face because every time that I'm seeing his bruises and scars, I can't help but to blame myself. I can't even imagine how he got through all this pain and tortured that he had.

Kung sana napaaga ang tulong namin nang gabing iyon' ay hindi sana mangyayari sa kanya ito.

Ang sabi nila Janine sa tuwing naaalimpungatan daw sya ay nagwawala sya na parang wala sa sarili, pilit tinatawag ang pangalang hindi namin malaman.

They also told us where he found him. Sa likod ng barn sa may gubat, kalunos-lunos ang kalagayan niya nang mga sandaling iyon', kapwa nakatali ang kamay at paa at hindi makagalaw ng ayos dahil sa sobrang sakit ng katawan. Tanda na lubos siyang pinahirapan ng mga walang pusong tao na gumawa nito sa kaniya.

Lumingon ako nang lumabas si Gray. tumingin din sa kanya ang mga kaibigan ko. Nadako ang tingin ko kay Triamp na nanlilisik ang matang sinundan sya ng tingin.

"I'll just follow him." sabi ko, tumango si Myka at Janine habang umismid naman si Triamp. Hindi ko na yun pinansin at lumabas, nakita ko sya sa tabi ng Pick Up, malayo ang tingin nito sa malawak na kapatagan.

"Anong plano." Tanong ko nang makalapit.

He looks exhausted then he pinched his temple.

"What happened to Jack didn't changed our plan. Pagbabayarin ko ang mga taong gumawa nito sa kanya."

"Saan tayo magsisimula."

Actually nakakapagod na, sa dami nang nangyayari masyadong natutuliro na ang utak ko. Minsan pala kapag maraming natakbo sa isip mo kusa nalang itong hihinto dahil sa pagod.

And that was I'm feeling right now.

This dilemma is going crazier and worst.

"Wala na tayong sapat na kagamitan, humanap muna ng mga kailangan natin." Sagot niya,

Nilingon ko ito nang magpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"Okay lang na ipakita mong napapagod kana rin Gray. Hindi mo kailangan na maging malakas every time. Yung sinabi ni Triamp kanina, alam kong dala lamang iyon' ng galit."

Tumingin ako sa harapan pagkatapos at sinandal ang likod sa Pick Up truck. Masarap sa pakiramdam ang malamyos na hangin.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay tumingin sya sa'kin. Dati nakukuha ko pang basahin kung ano yung nasa isip nya pero ngayon, sa laki ng pinagbago nya kahit ang susunod nyang kilos ay hindi ko na mabasa.

"People often tell the truth when they're in pain. I won't lie, he's right. I'm wreckless and selfish."

"Paano mo nasabi, lahat ginagawa mo tol. Stop putting the blame in you. Walang may gusto sa mga nangyayari sa'tin." Sagot ko,

Tumingala siya sa langit. "I choose to damage the friendship that we had. Sapat nang dahilan iyon' para tanggapin ko ang lahat."

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon