Chapter 18: Totally Devastated

598 21 9
                                    

Triamp's POV

Nakaharang ang barricade line sa harap namin. Malapit na kaming maabutan ng mga militar na nagpapalabas nang gas. At patuloy parin ang pagpapasabog sa buong City. Sa kabilang kalye naroon ang napakaraming Aphroviles. Nagkakagulo dahil sa extermination. We can't go somewhere at ang tangi nalang naming pwedeng daanan ay ang daan na iyon. But the baricade! Nakaharang pa ito, sa gilid nito naroon ang post kung saan makikita ang makinaryang makakapag-pataas dito.

"Keep on driving Zild." Seryosong sabi ni Gray sa likod akbay ang nanghihinang si Misty. Isa pa iyan sa problema namin. She's infected, and any moments from now she can be one of those. Damn!

Nangunot ang noo ni Zild. "Baka nakakalimutan mo bro, bakal yang barikada na yan."  kunot noong sabi nito habang nakatingin kay Gray sa rear mirror.

"Yeah and we need to go there." Sabi ko sabay turo sa post kung nasaan ang magpapagana rito pataas . "Para mapagana ang barricade." pagpapatuloy ko.

Dude it's a win-win situation. Kung lalabas ang isa sa'min para magpagana sa post, mapapahamak naman siya.

Pumikit sya at huminga ng malalim. "Then I'll go, magmaneho ka para lumapit doon." Gray replied.

"Gray, nababaliw kana ba?!" apela ni Myka.

"I need to do this."

"Gray kapag nilapit ko ang sasakyan at lumabas ka makikita ka ng mga Aphrovila!" Zild said.

I groaned in frustration.

"Then what the fuck do you want to suggest. Wait here until the extinction met us?!" galit na sigaw nya.

Natahimik kami. Walang nagsalita, kapwa lahat natatakot kung ano ang gagawin namin, hanggang isang malakas na pagsabog na naman ang narinig namin. Sobrang hirap ng sitwasyon and the fact na may humahabol pang army sa likod. Bukod doon may kalaban din kaming Aphrovila. Damn it, what the fuck is this game huh, we can't let our lives to die here.

"We don't have time, drive now and I'll do it!" Gray said with finality.

"Damn." I cursed.

Narinig ko ang marahas na buntong hininga ni Zild. Napailing ito bago akmang papaandarin ang sasakyan nang....

"No, stay here. I'll do the job instead."

Lahat kami natigilan, napalingon ako sa likod nang marinig ang mahinang boses ni Misty. Mayroon na siyang malay ngunit ang virus ay kumalat na sa kaniyang leeg, may malalaking ugat na roon. Normal parin ang kulay ng kaniyang kanan na mata habang natatakpan naman ng kaniyang buhok ang kaliwang mata. It's been an hour, but what more confusing is she's still sane. Nilalabanan ba niya ang virus?

"No." Malamig na sagot ni Gray, nagtatagis ang bagang nito.

"We don't have time Gray, let me."

Nakatitig ang nanghihinang mata nito sa kaniya, napabuntong hininga ako. Tang'na!

Gray shook his head. "Sinabi nang hindi. Ayoko, I can't...."

Paos syang nagsalita, gamit ang kamay na nababahiran na ngayon ng mga kulay itim na ugat. Hinawakan niya ang mukha ng kaharap.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon