Chapter 3: Vila Toxic

1.3K 37 0
                                    

Triamp's POV

After what happened hindi na ako matahimik, lalo na nung nakita ko yung color violet na liquid na lumabas sa bibig ni ma'am Novilla kanina. Maybe my other classmates didn't see what I saw but not me. I can't even explain, what was that. Tila isang pangyayari sa isang pelikula ang nasaksihan ko kanina. Sobrang bilis and the guards suddenly shoot her in head. Hindi man lang tumawag ng ambulance bago gawin yun.

Hindi makatarungan. Psh

Anyways after the incident we decided to go into our club house here in village. Nasa likod ito ng bahay nila Patricia and gagawin sanang tool house ng parents nya pero hindi natuloy kaya nag-Insists nalang kami na gawin itong tambayan which her parents approved.

Para narin daw hindi kami magpunta kung saan saan. Ang ginawa lang namin is medyo pinalaki namin ito and inayos then nilagyan ng girls ng kung anu anong design's.

Halos kaming seven dito nakatira sa village na ito. Si Gray lang ang hindi dahil dun sya nakatira sa pent house nila sa kabilang village.

"Yuhooooo? Earth to Triamp?" Nabalik ako sa realidad nang kumaway si Janine sa harap ko. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

"Im sorry may iniisip lang." sagot ko. nakaupo kami sa ginawa naming mini salas dito sa club house. Kami lang nina Janine, Zild,Gray, at ang tamad na si Jack ang nandito dahil yung ibang girl's ay nasa bahay nila Pat para kumuha nh snacks.

Magkatabi kami while si Zild ay nasa gilid ni Janine, tahimik naman sa kabilang tabi si Gray habang prenteng nakahiga si Jack sa kabilang couch.

"Yung about ba kanina yung iniisip mo?" Tanong ni Zild. Tumango ako tsaka sumandal sa couch.

"It's creepy, but at the same time hindi ako makapaniwala na patay na si Ma'am Novilla." nakangusong sabi ni Janine.

"Hindi ba kayo nagtataka?" kunot noong sabi ko sa kanila.

"Ano namang nakakapagtaka?" Tanong ni Gray, si Jack na nakahiga ay nakatingin na rin sa'kin.

"Yung incident, hindi man lang nila hinyaan na tingnan ng mga doktor si Ma'am Novilla kanina tapos basta nalang nilang binaril. Hindi ba makatao yung ginawa nila." Paliwanag ko.

"Actually that's what im thinking and also the color violet liquid that came in her mouth." Sagot naman ni Zild. Napatingin ako sa kanya tsaka umayos nang upo. The topic is now interesting.

"You saw that too?" Gulat na tanong ko. Mabilis syang tumango tsaka umayos rin nang pagkakaupo.

"Yeah. Bago sya bawian ng buhay and before nung bigla syang tumayo. Actually it's just a small drop of that liquid in her mouth that i saw kaya hindi na ako nagtataka kung nakita rin ba ng iba yung nakita ko but I'm glad that you saw it too." Seryosong sagot nya.

"Ano kaya yun." Wala sa wisyong tanong ko. Nagkibit balikat lang si Zild at tahimik naman yung iba.

"Baka naman something lang na nakain or nainom lang ni Ma'am Novilla yung nakita nyo." Pagsabat naman ni Jack habang nakahiga parin sa couch.

"Oo nga. Tsaka wag nyo nang isipin yung nangyari for sure magdadala lang ito ng stress sa inyo." Sabi ni Janine tsaka tinapik ang balikat ko.

"Kung ikaw ang nakasaksi ng pangyayari hindi mo agad makakalimutan yun." Seryosong sagot ni Zild.

"Tama na yan, Janine is right." Sagot ni Gray tsaka tumayo para kuhanin ang remote. Binuksan nya ang T.V pero agad na balita ang lumabas sa ganitong oras. Typikal na hindi news ang kadalasang palabas ngayong oras but today seems different.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon