Chapter 17: Extermination

575 17 4
                                    

Misty's POV

Tuloy-tuloy ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Nanginginig at namamawis ang buo kong katawan. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. I'm afraid. Fucking afraid. I can't be infected, I can't be one of those Aphroviles. Ayoko! Hindi ko kayang iwanan ang mga kasamahan ko. Buong oras akong umiyak habang nakatitig sa braso kong unti unting kinakain ng virus. Iniisip ang mga pwedeng mangyari kapag tuluyan na akong nilamon ng sakit.

A vivid scenario suddenly pop up in my mind. When we're in the cabin, I winched in pain because of Kuya Ken.

Doon ko nasapo ang bibig, siya ang may gawa nito sa'kin. It's his goddamn fault!

Patuloy ako sa paghikbi. I promised Gray that I won't leave him, I promised him! I promised him!

Mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil sa pag-iyak.

Gray!

Narinig ko ang papalapit na ingay nang mga kasama ko kaya nagmamadali kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pikit matang ginawa itong benda, pinunasan ko ang dugong umaagos sa braso ko pagkatapos ay sinundan ito ng pagsuot nang jacket. Halos mamilipit ang braso ko sa pagsusuot nito kaya mahinang hikbi ang kumawala sakin.

"Misty look we found some mangoes over that tree, medyo hilaw pa yung iba pero hindi naman maasim." boses ni Myka ang narinig ko. Pumihit ako paharap sa kanila. May bitbit na tatlong kulay green na Indian mangoes si Myka ganun din ang iba.

Pilit akong ngumiti. "M-mukhang masarap yan." sabi ko. Namilog ang mata ni Myka habang nakatingin sa'kin.

"Are you alright. Namumutla ka?" Tanong nya. Umiling ako.

"Of course. Pagod lang ako kaya siguro ganoon." sagot ko. Tumango sya bago tinapik ang kaliwang balikat ko, napatalon ako sa sakit na naramdaman ko.

"Okay ka lang ba talaga?" This time si Janine na ang nagtanong. Tumango ako.

"Okay lang talaga. Wag ninyo akong alalahanin." I said.

"Okay? Lagay lang namin ito sa sasakyan." sabi ni Myka. Tumango ako bago sumunod sa kanya si Janine para ilagay ang mga nakuha nila sa sasakyan. Habang nakatingin ako sa kanila ramdam ko ang pagsama ng pakiramdam ko. Umiikot ang paningin ko at bahagyang nanlalabo ang kaliwang mata ko. Sobrang init rin ng pakiramdam ko't halos hindi ako makahinga ng ayos.

Parang aatakihin ako sa puso, it's beating so fast. Not the usual heartbeat. Damn!

Pero kahit pa ganoon  pinilit kong makihalubilo sa kanila hangga't sa kaya ko. Isang takas na luha ang kumawala sa aking mata.

Ilang minuto pa kaming nagpalipas sa lugar na iyon, gising na si Gray at nagkakarga ng gasolina kasama ang mga kalalakihan sa sasakyan. Nasa may bato ako, nakatanaw sa kanila. Nag-uusap si Myka, Janine at Patricia sa gilid ng Pick-up, habang kasama naman nil Zild si Triamp, Jack, Gray at Ate Levi na may inaayos. Magkatabi naman si Shane at Shaun sa bumber ng sasakyan, inaayos ni Shaun ang benda sa paa ni Shane, katabi nito si Zira na nagmamasid.

Yumuko ako at sinapo ang ulo. Dahil sa ginawa ko ay napasadahan ko ang likod ng aking kamay, sunod-sunod ang naging paglunok dahil sa mga ugat na gumagalaw roon, paunti-unti ay sinasakop ng itim na mga ito ang aking maputing balat.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon