Chapter 66: Wind

65 5 1
                                    

TRIAMP

Matigas at malalim ang boses ng lalaking nagsalita sa likod ni Jack. Seryosong seryoso ang tingin ko sa kaniya. I held my gun tightly while pointing this into the enemy. I guess I was right all along, the silence in this whole place is so damn weird. Sabi na nga ba at may plano sila sa pagdating namin, marahil ay marami pang tao ngayon dito ang hindi pa nagpapakita.

Crap!

I shouldn't let my guard down, I'm freaking stupid!

"Throw me your weapons. And I'll spare this man's life." The stranger said.

Akmang kikilos na ang mga kasama ko para ihagis ang kanilang armas ngunit pinigilan ko sila. Iniharang ko ang kamay ko sa harapan nila.

"Nope," I said.

Tumulo ang pawis sa noo ni Jack.

"Tol naman! Hindi na ba ako mahalaga sayo?" Maktol niya,

Psh, Shut up idiot. I know what I'm doing.

Ngumisi ang lalaki.

"Uulitin ko, itapon ninyo' lahat ng armas ninyo o papatayin ko siya." Gigil na sabi ng lalaki at mas lalong binaon sa ulo ni Jack ang hawak na baril.

"Dude." Sabi ni Zild sa likod ko,

"Who are you?" Tanong ko sa lalaki,

"Do I have to introduce myself? Ibigay niyo' nalang ang hinihingi ko kung ayaw ninyong sumabog ang ulo nitong lalaking kasama ninyo." Mariin niyang sabi.

"T-Tol ayokong mamatay sa ganitong paraan." Si Jack,

Gago tumahimik ka,

Nagtagis ang bagang ko bago nagsimulang gumalaw ngunit agad akong natigilan nang mariing sumigaw ang lalaki.

"Ay, puta!"

Nagulat ako nang biglaang nagkaroon ng komosyon. Bigla akong hinila ni Zild patungo sa kanila at pagharap ko'y may dalawang lalaking Aphrovila na ang ngayon ay umaatake sa hindi kilalang lalaki, hindi ko alam kung saan ang mga ito galing pero nagsilbi itong dahilan upang makawala si Jack.

"TANGINA GAGO AMPUTAA!" Jack shouted and ran towards in our direction.

Nanlaki ang aking mata nang makita na ang isa sa mga Aphrovilang umaatake ay mayroong malaking katawan. Tumatalbog pa yung tiyan nito na puno nang dugo at ang matataba at malalaki nitong braso ay walang awat sa paghagilap sa inaatakeng estranghero.

Habang ang isang payatot na Aphrovila naman ay tila kayang kaya pang lumapa ng isang tao kahit pa wakwak ang gilid ng tiyan nito at nakikipagpaligsahan sa kasama na ngayon ay mararahas na tumatakbo.

Kapwa sila nanlilimahid sa dugo, napaatras kaming lahat habang pinapanood lamang yung lalaki na nakikipaglaban sa dalawang Aphrovila.

Umaalingawngaw ang tunog ng baril sa buong paligid kaya naalarma kami nang makarinig pa ng mas maraming ungol sa hindi kalayuan.

"Oh my gosh..." Patricia whispered.

Napalingon ako sa itaas kung saan kami nanggaling. Mula doon sa pintong nilabasan namin ay unti unting nagsisilabasan yung ibang Aphroviles, nagtindigan ang aking balahibo nang makita na ilan sa kanila'y nakasuot ng Lab gown.

The Safest Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon