(PART 2) Pick Up 59: Heart's Desire

22.3K 591 56
                                    

Elvin's POV

"Good evening Ladies and Gentlemen. May I have your attention please. We are about to begin our Dinner Reception so please find a seat and make yourself comfortable."

Hinanap ko agad kung saan nakapwesto ang Jaguars, madali ko din naman silang nakita dahil sila ang pinaka-maingay dito. Naupo ako sa tabi ni Young.

"Tito Elvin bukas ang zipper mo" malakas na bulong ni Ken. Wengya ibinulong pa nya. Tiningnan ko ang Jaguars.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko sa kanila. "Umihi lang ako mga hayop kayo, ang dudumi talaga ng mga utak nyo"

"Wala pa kaming sinasabi, wag kang defensive" nakangising sagot ni Burns. Akmang babatuhin ko sya ng flower vase na nandito sa lamesa namin pero pinigilan ako ni Fren.

"Kalma ka lang Tito Elvin, nasisira kagwapuhan mo nyan,"

"Oo nga ano?" inayos ko ang sarili ko at itinaas na din ang zipper ko. Di ko na lang pinansin ang tawanan ng Jaguars at binigyang atensyon na lang ang nagsasalita.

"A pleasant evening to everyone! Welcome to the celebration for Johnny and Rea's Greatest Day Ever. This beach is indeed a fitting setting for our newlyweds as we mark the beginning of their life together. So sit, down, enjoy the cool breeze, and enjoy the rest of the evening."

Tiningnan ko ng masama si Young. Hilamusin ba naman ang mukha ko ng palad nya.

"Wag mo kasi masyadong tingnan ang emcee, kung hindi pagkain ang hanap mo, babae naman. Ano ba talaga Howard?" litanya nya.

"Gago inaalala ko lang kung saan ko sya nakita dati,"

"Wag kang mag-alala sigurado naman kami na hindi mo sya nakita sa kama mo" makahulugang sabi naman ni Montereal. Napaisip ulit ako.

"Pffffffft si Ms. Quintos yan, sya din yung emcee sa kasal nina Hannah at Captain" natatawang sagot naman ni Miller. Ah oo naalala ko na. Tumango ako sa kanila bilang sagot.

"I am Maricrissy Quintos, your host for the night. I know that my beauty is familiar to everyone. Yes, I am also the host in Shield and Hannah's wedding." she smiled.

"Ang ganda mo pa din!" malakas na sigaw ko.

"Thank you so much to the guy who shouted how pretty I am" lahat ng tao nakangiti sa kanya. I like her. Kumaway ako sa kanya, kumaway din sya at isang matamis na ngiti ang natanggap ko.

"Walanjo! Howard pare, kalma lang please" hindi ko pinansin si Dela Cruz. Kalmado ako, mukha ba akong kinakabahan? Binigay ko na lang ang buong atensyon ko kay Ms. Quintos.

"We thank you all for gracing this occasion, especially those who took a leave of absence from work or school, and those who have traveled miles just to be with us today. In behalf of Johnny and Rea, and their proud parents, I would like to express heartfelt gratitude for your presence tonight. It is indeed a pleasure to have you all here."

"Ang galing nya magsalita ano?" naitanong ko na lang kay Ken na kalong ng kanyang ama. Kung minsan masarap pa kausap ang mga bata kesa sa Jaguars.

"Oo nga tito, pero yang laway mo malapit ng tumulo punasan mo na" mabilis kong kinapa ang labi ko, tiningnan ko ng masama si Ken nang wala naman akong nakapa na laway ko. Tinawanan lang nya ako. Manang mana talaga sya tatay nya. Binabawi ko na 'yong sinabi ko, dahil nahawa na din sila ng Jaguars.

Tiningnan ko si Young, tahimik lang syang nanunuod. Bigla ko na naman naramdaman ang sakit dito sa dibdib ko kapag naaalala ko ang nakaraan. Ang nakaraan na halos pumatay na sa pagkatao ng kaibigan ko ng mawala ang babaeng mahal nya.  Tinapik ko ang balikat ni Young.

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon