Chapter 37.4
Flashbacks: Summer Vacation (last na to promise!)
Beary's POV
Tapos na ang klase =))
Nagkaroon ng party sa bahay nila Nathan pero tumakas kami xD
Parehas naming ayaw sa sosyalan at plastikan. Si Aleyna di pwedeng umalis kasi tutugtog siya ng piano. Kasama niya si Liam. Si Nathan pinakilala kasi sa mga kasosyo sa negosyo tapos ginawa ba naman akong dahilan para makatakas kami. Masakit daw ulo ko. Eh alam niyo naman si Daddy Sir. Yea! Nag improve na. Daddy na daw itawag ko sa kanya. Approve naman daw ako para kay Nathan. Isa pa, ako lang daw pinakilala tapos close na daw ako sa pamilya kaya ayos na ayos lang daw kung Daddy na itatawag ko sa kanya.
Sayang nga! Hindi ko napanood tumugtog si Aleyna. Daig niya pa ako XD
Ako hanggang flute at harmonica lang kaya ko tugtugin siya violin at piano. Tsk tsk. Rich kids XD
Si Nathan kase piano, violin, saxophone, gitara tsaka drum =____________=
Ganyan kase pag mayaman. Kailangan marunong ka ng mga instrumento kase pag ipapakilala ka ng mga magulang mo kailangan talented ka para di sila mapahiya. Yung iba kanta. Yung iba sayaw. Maniniwala kayong ineroll ako sa ballet school noon? Kaso parehong kaliwa paa ko. Sakit kaya sa paa nun. Kailangan pointed parati yung paa mo. Ang sakit sa daliri sa paa kasi dun lahat napupunta yung bigat mo. Nagkakapaltos tuloy kadalasan doon. Tsaka heavy ang practice. All day. Ayoko ng ganun. Paano yung playtime ko?
Sabi nga sa recollection namin nung last week ng March na hindi na balak ikwento ng author sa inyo,
"Gaano katagal ka ba naging bata?"
"Ilang taon ka naging malaya na maglaro lang, yung walang iniisip na assignment o project?"
"Natatandaan mo ba nung simpleng bata ka lang at walang iniisip kundi maglaro lang?"
"Sa labing anim na taon na nabuhay ka, ilang taon yung inuukol mo na sa pag aaral? Ilan naman sa labas ng eskwela?"
"Dapat ienjoy natin ang pagkabata natin. Hindi yung puro aral aral aral tapos wala na yung pag eenjoy. Aba! May karapatan kang sumaya habang nag aaral ka. Kung nagsimula kayong mag aral ng 4 years old palang, ibig sabihin 11 years na kayong nag aaral. Ang tanong, 'naenjoy mo ba ang pagkabata?' "
Idol ko yung nagbigay ng talk sa amin. Grabe kakatuwa pero malaman. Nareminisce ko yung pinaggagagawa namin nila Ate Alyana at Kuya Mark dahil sa kanya. At least alam ko, naeenjoy ko yung kabataan ko, eh ikaw?
Naku! Kung alam niyo lang. Nung bata pa ako namumulot din ako ng shells sa dalampasigan. Pati yung tubig sa flower ng santan? Tinikman ko yun. Tapos yung kulangot ko? Binibilog ko din tapos ididikit ko sa pader. Pero nung bata lang ako yan ah. Ngayon hindi na. Alam ko na ang tissue.
Naalala ko pa nun. Akyat kami ng akyat sa puno ng bayabas para kumuha ng bunga tapos yung kinukuha namin bunga ang tigas tigas pa. Ampait nun! hahahah. Pero masaya kami pag nakakauha kami yung kulay pink yung loob, sarap nun! hahaha. Tsaka yung puno ng seresa na ang tangkad tangkad. Kinailangan ko umakyat sa mangga para makakuha ng seresa kaso nalaglag ako, buti mabilis si Kuya Mark, nasalo niya ako. Tsaka nung dati! hahahaha. Naghahabulan kami kasi naglalaro kami ng 21 ng mga kasama naming bata, Nadapa si Ate Alyana tapos nasubsob siya sa putikan. Grabe nun ang tawa niya sa sarili niya kaya mas natawa kami XD
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...