Chapter 22
NewlywedsPinikit ko muna ang mga mata ko. Inaantok pa kasi ako. Late akong natulog kakanood ng movies. Si Nathan kasi. Ang daming suggestion ng panonoorin. Ayun. Minarathon ko tuloy. Ayoko namang siya lang nakakarelate sa mga sinasabi niya di ba. Eh napanood na niya. Yung iba naman kasama ko pa siyang nanonood kaso nakatulog na siya habang katabi ako. Wala tuloy akong tagakuha ng pagkain.
Hinayaan ko naman siyang matulog sa sofa mag isa! Dadamayan ko pa ba siya. Ayoko siyang gisingin kasi ang cute niya matulog e. Nakapikit na nga at hindi nakangiti, ang cute pa rin. Kainis.
Ba't ako? Sabi ni Ate ang pangit ko raw pag tulog. Tapos pagkagising mukha pa kong bruha. Ba't siya? Ang gwapo tignan kahit ang gulo ng buhok? Kainis talaga.
"Kain na daw." nakasimangot kong tawag sa kanya. Kainis kasi. Why? Why talaga! Ba't di lahat ganun? Dapat talaga pili lang?
Oh my gosh. Di ko kinaya i-English. Isa pa yun. Napakafluent nila. Nanay ko kasi. Filipino lang tinuro sa akin nung bata ako. Sa kanila baligtad.
"Ang sakit ng likod ko. Dito ka rin nakatulog?" tanong niya. Chineck niya kaagad kung may dumi siya sa mata.
Umiling ako sa kanya.
"Ba't di mo ko ginising? Sakit sa likod. Ang pangit ng pwesto ko." sabi pa niya.
"Pangit pangit. Ang gwapo mo naman matulog. Kainis" bulong ko na narinig yata niya. Nakangiti siya ng nakakaloko e. Inirapan ko nga.
"Ang cute mo po. Makes me want to kiss you kaya lang I haven't brushed my tooth yet so wag nalang. Laters, Bee." tumayo siya tsaka dumiretso sa bathroom. Sabi ko kain na e. Matagal maligo yun. Daig pa ko.
"Nie, bilisan mo. Gutom na ko." Wala kasi kaming kasama dito sa kanila. Si Aleyna nauna ng kumain. Tapos sumama siya sa mga maghaharvest. Gusto daw niya Makita paano mamitas ng mga aanihin at paano gumapas.
Nasa isang farm kami. Sa tita nila Nathan sa Pampanga. Ang dami nilang alagang hayop. May tupa, pabo, kambing, manok tsaka may ilang aso. May palaisdaan din.
Nakakatuwa nga si Aleyna e. Ang excited niya. Hinabol pa siya nung pabo. Hindi namin nakita yung nangyari e. Basta narinig nalang namin siyang sumisigaw. Sabi niya she was just looking at her poults.
Hindi ko pa nga alam ano yung poults. Inakay lang pala ng pabo.
Umayos ako ng higa sa sofa tsaka pumikit. Inaantok talaga ako e. Sa sobrang kumportable ko, makaidlip na ako. Nagising lang ako sa paghalik ni Nathan sa kung saan saang parte ng mukha ko. Pinigilan ko ng kmay ko ang paglapit ng mukha niya.
"Sleeping beauty has woken. Stop it." pagbawal ko sa kanya. Medyo wala pa sa katinuan ang isip ko dahil kagigising ko lang. Gutom na din ako. Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas nueve na ng umaga. Dalawang oras siya naligo? Sobra naman!
" Kakatapos mo maligo? Tagal mo naman." ngumiti lang siya tsaka umiling.
"Ang sarap mo lang panoorin matulog. Ang peaceful. Napanaginipan mo ba ako?" tukso niya sa akin. Nakaupo siya sa sauig habang ako ay nakahiga pa rin sa sofa.
"Hindi. Asa naman. Nagugutom na ko." sabi ko sa kanya at nagpacute pa. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at umaktong tila batang nagpapabuhat sa kanyang magulang. Ginulo niya ang buhok ko pero walang reklamo niya akong dinala sa sink para maghilamos at magtoothbrush. Nagaway pa kami kasi gusto niya siya ang magsusuklay at magtotoothbrush sa akin. Pero sa huli, talo siya sa akin. Pagkatapos ay binuhat niya din ako papunta sa dining table para kumain.
"Yaya. They look like newlyweds just having their honeymoon. Aren't they too sweet?" napatingin kami sa inosenteng si Aleyna. Medyo nahiya ako kasi baka kanina pa sila nanonood sa amin.
Humiwalay ako sa upuan ni Nathan. Siya naman umusog ulit palapit kaya iniusog ko ulit palayo ang upuan ko. Pero ang kulit ni Nathan, lumapit ulit siya. Tumayo ako para lumipat sa ibang upuan pero hinila niya ang bewang ko atsaka ako iniupo sa kandungan niya.
Nag init ang mukha ko. Namumula ba ako? Agad kong tinignan kung nanonood pa ba sa amin sina Aleyna. Medyo napahinga ako ng maluwag nung hindi sila nakatingin pero kinakabahan ako na baka kami yung pinag uusapan nila.
"Ano ba, Nie! Andiyan sina Aleyna o. Mahiya ka nga." Sinusubukan kong umalis sa pagkakandong sa kanya pero ayaw niya akong pakawalan.
"Bakit ka ba nahihiya? Pangit ba ako? Mabaho?" inamoy niya ang sarili niya at chineck kung may pimples ba siya. Wala Nathan. Walang mali sayo.
"Bakit kailangan mong lumayo sa akin? May nakakahawa ba akong sakit? Nagsasawa ka na sa akin?" Tinitigan niya ako sa mata na parang binabasa kung magsasabi ba ako ng totoo o magsisinungaling ako. Hinawakan ko siya sa mukha gamit ang dalawang kamay ko.
"Walang mali sayo. Hindi ka pangit, mabango ka nga e. Minsan nakakainis kakulitan mo pero hindi ka nakakasawang kasama." Pinipigilan niya ang ngumiti at pilit pinapanatili ang kawawa niyang mukha pero nung pinindot ko siya sa bewang, di na niya napigilan ang tawa niya.
"Hindi kita kinakahiya. Hindi Lang ako kumportable sa PDA. Behave na please." bulong ko sa kanya.
"In one condition." Itinaas ko ang isa kong kilay para magpatuloy siya. Ngumuso siya. Nangunot ang noo ko pero naintindihan ko din kalaunan. Linapit ko ang bibig ko sa tainga niya at doon bumulong.
"Behave na po, Nie ko." Hinalikan ko siya sa pisngi atsaka umalis sa kandungan niya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Natawa nalang ako sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...