Chapter 10
Incentive
Mabilis na natapos ang exams at ngayon nga ay ang balikan ng mga testpapers sa English. Sasabihin na rin ni Sir kung ano ang mga grade namin. Ilang araw na rin akong kinakabahan sa kahihinatnan ng deal ko kay Nathan.
What if matalo ako? Ano kaya ang ipapagawa niya sa akin? Hindi naman siguro nagbabasa ng wattpad si Nathan para gawin akong slave for several days di ba? Gosh. This is it!
"Before I distribute your testpapers, I'd like to congratulate our three perfect scorers namely Nathan, Isabelle and Beary..." Oh my gulay! Did I hear it right?! I perfected my English Exam! Masyado na akong preoccupied sa fact na nakaperfect ako para pakinggan pa yung sinasabi ng teacher namin. My gee! Perfect? Gosh! I know ang babaw pero kasi since perfect wala na kaba.
Tuwang tuwa ako pagkatapos ng klase namin habang tinititigan ko yung test paper ko na may very good pang mark sa ilalim ng 100 na score. I'm so proud of myself talaga. Kinikilig ako sa achievement ko na to. Hayyy. Ang sarap makaperfect pagkatapos mong mag aral ng mabuti. Saya!
"Paano ba yan Bee, natalo kita..." nagulat ako sa biglang bumulong sa akin kaya napakislot ako.
"Ano yun? Di mo ba nakikita to? ONE HUNDRED! May tataas pa ba sa 100 na equivalent? Minsan talaga nagdududa ako kung tunay ba yung bansag sayo. Tsk tsk, Nagagawa nga naman ng sobrang talino " pailing iling pa ako bago bumaling sa nakangisi niyang mukha.
"Tingin ko nabingi ka na pagkatapos mong marinig na isa ka sa mga nakaperfect. Tsk tsk." mapanuya niyang saad tsaka lumapit pa sa tainga ko para bumulong
"I had 5 point incentive for pointing out a few misspelled words and grammatical error. Umpisa ng paniningil ko? Let's have a proper date. Saturday. Wear something comfy. Picnic lang to. "
Hep! Unfair naman nun. Ang usapan pataasan ng test score hindi kasali ang incentives sa usapan so tie pa rin
"But technically speaking mataas pa rin ang 105 sa 100. Give it up. Kasama naman si Aleyna at Liam, sige na nga... ' Napansin siguro niyang tututol ako kaya automatic na ang pagdagdag niya sa mga sinabi niya. Sabagay kung kasama si Aleyna at Liam di na yun mukhang date. May alam pa siyang proper proper date, may kasama naman pala.
----
Traffic ngayon papuntang park.
"Ryza! Andito na sina Nathan. Baba ka na." Katok sa akin ni Yaya Miding
"Saglit lang po. Andiyan na. Salamat ya!" sagot ko habang kinukuha ko yung mga dadalhin ko.
Papaupo palang ni Nathan sa sofa nung pababa na ako pero hindi niya na tinuloy at lumapit nalang sa hagdanan habang nakangiting hinihintay ang pagbaba ko. Akala ko ba kasama sina Aleyna? Saan sila?
"Nasa kotse. Ayaw bumaba. Ang Prince lang daw dapat sumundo sa princess" sabi niya habang inaalalayan ako pababa. Hindi na ako nagkumento. Gentleman pala siya? Taktika niya siguro para ma-fall ang kababaihan sa kanya. Tss.
"Hi Big Sister! I miss you" sinalubong ako ni Aleyna ng yakap at halik sa pisngi pagkapasok ko sa kotse nila. Ginaya naman siya ni Liam.
"Why did you kiss her?! You shouldn't kiss her." Sabi ni Aleyna kay Liam tsaka humalukipkip at pinahaba ang nguso nito. Napailing nalang ako habang natatawa. Aleyna talaga!
"You jealous AM? It's Ate Beary. You shouldn't be! She's Kuya Nate's Princess" Ang aga naman ng LQ ng dalawang to. Ang cute cute talaga nila. Pati ako pinagseselosan pa. Hihi.
"That's right. Ate Beary is my princess. Stop whining Aley. You're pouty face is not cute. You'll grow ugly. " pananakot naman ni Nathan sa kapatid. Ayaw niya kasing nasasabihan na pangit siya. Pinagpipilitan niyang maganda daw siya. Mana daw siya sa kuya niyang gwapo.
"No way! I'm still pretty, right big sis?" Tumango lang ako bilang sagot. My gosh! Ang aga aga mag nonosebleed na ko sa tatlong to!
"Oh tissue, ilong mo nagdudugo na" biro sa akin ni Nathan. Minsan naiisip ko may psychic abilities siya. Paanong nasasagot niya kaagad yung mga iniisip ko.
"Mayroon kasi tayong connection" sabi niya tsaka kumindat pa.
"Ate Beary why can't I look at the sun? It's so bright! I want to look at it during noontime. The sunrise and sunset is very beautiful. " tanong sa akin ni Aleyna habang pare pareho kaming nakahiga sa ilalim ng isang malaking puno.
"Indeed." Hahaha. Paano ineexplain yun? Hahahaha. Ewan ko. I'm speechless.
"You're attempt is futile. Stop it Aley. You'll only damage you're ayes. Looking directly at the sun without sun glasses may affect your eyesight" Whoosh! Daming alam. Totoo kaya yun?
"Totoo yun, baliw!"
"Paanong?"
"Dali mo kaya basahin. Pag tumitingin ako sa mukha mo parang sinasabi mo na lahat ng iniisip mo sa mga facial expressions mo."
"Aleyna. I'm sorry. Look I've picked flowers for you. They're your favorite color. " Kaya pala nagpaalam na aalis saglit tong si Liam. Hindi pa rin kasi siya pinapansin ni Aleyna simula nung bumati sila sa akin. Kinikilig ako sa kanila. My gee! Ang babata pa nila.
"Tss. Unfaithful" Mariing sabi ni Aleyna. Gosh. Possessive na bata.
"I beg to disagree, milady. Liam is for AM and for AM alone. I promised to marry you when we grow up, aight? I vow to keep that promise. I'm really sorry" pangungumbinsi ni Liam kay Aleyna tsaka humalik sa pisngi nito.
"That's enough, young man. I'm watching you. Nakakailang kiss ka na kay Aley ha! Itong sayo" biro ni Nathan kay Liam tsaka nag umpisa ng tickling war.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...