Chapter 70

1.9K 18 2
                                    

 Chapter 70

One day at a time

Beary's POV

The best thing about the future is that it comes one day at a time.

-Abraham Lincoln 

Bukas ang alis nila pareho. Kinakabahan ako. Buti na nga lang, tulad ng sinabi ni lincoln, one day at a time kung dumating ang future. Hindi siya fast forward. Paunti-unti. Kaya may oras pa ako para magmuni-muni. para mag-isip. 

Kung parehas silang tumuloy, parehas ko na silang itatakwil sa puso ko. Bahala na sila diyan. Marami pa namang babae diyan. Hindi sila mauubusan. Gwapo naman sila pareho kaya nasa unahan sila ng pila ng magkakalovelife. 

Basta ako, enrolled na sa review school. May pagkakaabalahan ako kahit pareho silang umalis ngayon. In fact, nag iempake ako ng mga gamit ngayon kasi lilipat ako sa isang boarding house na malapit sa review school. Hassle kasi kung magcocommute ako. Andito kasi si Ate, hindi ko masosolo yung driver namin sa paghatid sundo sa akin lalo pa't papasok na ng school yung pamangkin ko. 

"Uy girl! Hindi ka ba talaga magpapaalam kahit kay Tristan man lang? Boyfriend mo yun lokaret ka talaga! " Pinalo pa ako sa balikat nitong si Alyana. Minsan lang kami magkita pero sinasabi ko sa kanya ang lahat. Dapat lang na mamoblema din siya. Nung nagbreak sila ni Mark ako yung ginulo nilang pareho eh. Kaya dapat pag ako din may love problem, mamroblema din sila. 

"Hay naku Alyana, di ba nga sila  ang dapat mamili? Paano naman yun, kung pupunta ako sa kanya, unfair kay Nathan" 

"Unfair ka kay Tristan sa ginagawa mong yan. siya yung BOYFRIEND mo. hindi mo man lang maihatid sa ptutunguhan. Ikaw na yyang makikipagbreak pag umalis ng tuluyan. Ni hindi mo pa bigyan ng consolation na makita ka sa kahuli-hulihang pagkakataon bilang girlfriend niya. Napakaunfair nun Bianca Erin Ann Ryza Yan! Maawa ka naman dun sa tao. Pag ikaw ba, naipit sa sitwasyong kailangan mong mamili sa pagitan ng girlfriend mo at pamilya mo, sino ang pipiliin mo? Di ba mas malaki ang chance na pamilya mo? Kasi sila yung kasama mo kahit na makapatay ka pa, sila yung tatanggap sayo." May point naman siya pero pamilya? Eh mas masaya yun pag nakikitang masaya ka. 

"Pero, nakasama ko na ang pamilya ko ng 2 dekada... hindi ba dapat namang piliin ko yung makapagpapasaya sa akin? Sila nga nung Migs niya nagbreak dahil pinili nung Misha na yun na sundin yung Daddy niya eh tapos yun ang gagawin niya sa akin? Hindi pa ba siya natututo sa past experience niya? Tsaka sabi mo nga, tatanggapin ako ng pamilya ko kahit anung mangyari, kung pipiliin ko yung kasiyahan ko, magagalit sila sa akin? Di ba hindi? Mas malaki ang chance na kung makakasaya sa akin, susuportahan nila ako. Kaya itetake ko yung risk na suwayin sila kung yun ang makakapagpasaya sa akin. " 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon