Chapter 65

1.6K 20 22
                                    

Chapter 65

Nakakamiss pala      

Beary's POV      

"Aaaaaaah!" Ang baliw talaga nitong si Nathan. Kasi naman pagkatapos ng back hugging scene namin ay humarap siya at yumakap na rin. Tapos ang walanghiya, hilahin ba naman ako pahiga sa kama ko. Ilang steps ba ang layo namin dito? Argh! Tapos...siya kasi nakahiga tapos ako... nasa ibabaw niya. Spell A-W-K-W-A-R-D.     

  "Anong oras ba lakad mo? Tsaka sinong kasama mo?" Nakayakap pa rin siya niyan ha.       "Teka nga." pilit kong kinakalas yung yakap niya pero ayaw niya alisin, lalo lang niyang hinihigpitan.

"Huy Nathan! Hindi kaya kumportable sa pwesto ko. Umayos ka nga!" reklamo ko na. Ang hirap hirap kayang titingala ka pa para lang makausap siya tapos kung makayakap pa naman, parang wala ng bukas!     

  "Yun lang pala eh!" Sabi niya atsaka ibinaligtad ang pwesto namin kanina. Hay naku! Tuwang tuwa pa siya niyan. Grabe talaga! Siguro napansin niyang nakabusangot ako kaya umayos na siya. Magkaharap nalang kami ngayon pero nakayakap pa rin siya, ako nasa may bewang nalang mga kamay ko. Mabigat kaya siya, alangan naman padagan ko kamay ko!       

Nakakainis yung inaasal niya pero... nakakamiss pala ang ganito.    

  "Lam mo... nung nagbreak tayo, madami pa rin akong dinedate na kung sino sinong maganda, mabait at mayaman. Pero narealize ko ngayon, mas nakakamiss pala yung ganito.  Sarap kasi ng yakap mo eh! " Kinuha niya ang magkabilang braso ko na nasa bewang lang niya at saka iniyakap niya pa sa kanya. Nagets ko naman kaya niyakap ko siya ng mas mahigpit. Hayaan na, minsan lang naman magpayakap to eh.       

  "Anong oras nga kasi lakad mo?" Oo nga pala, may tinatanong siya kanina.     

    "Mamayang gabi pa naman. Hep! Yung date, sa ibang araw nalang ha? Baka kasi kung saan saan mo na naman ako dalhin, tapos pag-uwi nun, dahil pagod sa biyahe baka hindi ko na mapuntahan yung lakad ko, mahalaga pa naman yun"     

  "San ba yan? Sino ba kasama mo?"       

  "Makapag-interrogate, kala mo naman boyfriend kita!" pabiro kong sabi tsaka isiniksik ko yung ulo ko sa dibdib niya. Ang kumportable kasi ng ganito. Ewan ko ba! Siguro kasi tiwala naman akong walang mangyayaring masama kasi kasama ko si Nathan.       

  "Malapit na ulit!" sabi niya tsaka naramdaman kong hinalikan niya ako sa buhok. "Syempre, pag sa'yo. One-woman man ako, ikaw pa! Ikaw pinakamalakas sa akin eh. Atsaka, sigurado, ikaw ang gusto ng mga tao sa bahay namin na makakatuluyan ko. Kahit tanungin mo pa sila." Ano ba ang dapat isagot sa sinabi niya? "Makikitulog muna ako ha? Pagod ako sa biyahe eh. " sabi niya. Tumingin ako sa kanya, nakapikit na siya. Ang bilis naman yatang makatulog nito. Pagod nga talaga siguro. Pinapanood ko siyang matulog nung unti unting nagcucurve yung labi niya para ngumiti. Tss. Gising pa pala!    

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon