Chapter 57

1.8K 25 19
                                    

Chapter 57

You still like him

Beary's POV 

Honggondo niya. Mukha siyang manikang humihinga. Tapos nagsmile siya kay Nathan, mas lalo pa siyang gumanda! Paano nagkaroon ng mga taong katulad niya? Grabiiii. Talong talo ang beauty ko >.< Matotomboy ata ako sa kagandahan niya eh XD

"Ahh Beary hija, Ayaw mo pa bang pumunta doon sa boyfriend mo?" Nakakahiya! hahhaha. Natotomboy ako dun sa kasama ni Nathan eh kasama ko nga pala mga magulang niya >.< 

Kahiya! waaaaaaaaaaaah. 

"Ah, sige po! hehehe. Ang ganda po nung kasama niya ano? Ano pong pangalan niya?" sabi ko sa kanila. Tinawanan nalang nila ako. 

"Naku! Hija, Yun si Marisha Miguelle Young. Sigurado akong pamilyar ka sa House of Misha hindi ba?" tumango ako. Paanong hindi? Yun kaya ay isa sa mga pinakasikat na fashion house dito sa Pilipinas. Bukod kasi sa magaganda yung mga damit nila, abot kaya pa. "Yan yung may-ari nun. Bago kayo magkakilala ni Nathan, nagdate na yang dalawang yan. Wag mo nalang pagselosan! hahhaha. Pagkakaalam ko bata palang siya, nananahi na siya ng damit kaya yun ang hiningi niyang business sa Daddy niya. Kasosyo namin sa kumpanya pamilya nila kaya close din ang dalawang batang yan" ahhh okay. Pero teka, wag ko daw pagselosan! Naku T^T Hindi po! Promise, hindi po ako  nagseselos. Nabigla lang ako sa sobrang kagandahan niya >.<

"Eh, hindi naman po ako nagseselos. hehe. Matagal na po kaming wala ng anak niyo. Andiyan naman po ang Tristan ko. " nakangiting sambit ko sa kanila. 

"Uhh. Tita, Tito, si Tristan po, boyfriend ko. Tapos eto naman po si Pia, Myca, Rishelle, judy, juaren, Cristine, Cristina, Monica at Aira, mga bestfriends ko po, kaklase po namin ni Nathan nung high school" Pagpapakilala ko sa mga nakaupo sa mesa. "Guys, ito naman sina Tito Erwin at Tita Barbara, parents ni Nathan." pakilala ko sa parents ni Nathan sa mga nakaupo sa mesa. Nakita ko ang mga mapang-asar na tingin ng mga kaibigan ko pero binalewala ko nalang yun. 

"Upo po kayo" magalang na sagot ni Tristan. Yiee! Sabi sa inyo mabait yan. Siya lang nakaalala oh? Tumabi ako sa kanya syempre. Tapos hinawakan niya kaagad kamay ko. Tinignan ko lang siya, siya naman nagsmile lang sa akin. Tapos ayun, nagkwentuhan sila. Nung una akala nila mahirap kausapin parents ni Nathan, syempre businessman/woman, mga elites. Akala nila pormal yung usapan. Makulit kaya pareho parents ni Nathan ^^

"Ano pong feeling ng maaksidente?" Di napigilang magtanong ni Judy. Curious eh XD siniko naman siya kaagad ni Juaren. Syempre baka maoffend si Tito! hahah Pero di yan XD "ahhh... eehh. Kahit wag niyo nalang po pala sagutin!" bawi ni Judy sa tanong niya. 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon