Chapter 46

2.4K 24 2
                                    

 

Chapter 46

Hospital

Beary's POV

Dahil magaling ako, naipasa ko yung qualifying exam! Ang galing ko. Pang 3 ako sa highest yeah man! Ang daming reviewers ang pinagdaanan ko bago ko magawa yun. Ang galing ko! I'm so proud of myself :'>

May sasabihin ako sa inyo :P

Binasted ko na si Tristan Dominic Lim :(

Kasi hindi naman porke't crush ko siya sasagutin ko na siya kagad. Syempre kailangan may feelings din yung malalim. Yung you know... "the "L word". Kahit anong pilit ko kasi sa puso ko nakasulat pa rin yung pangalang Nathan Cruz dito. Ewan ko ba! Gumamit ata siya ng indelible ink (yung pinapatak nila sa daliri pag bumuboto, yung mahirap burahin) kaya ayaw niya mabura sa puso ko. Kainis! Gusto ko na siyang palitan. Mahirap umasa. Lalo na kung yung inaasahan mo, hindi ka binigyan ng assurance sa kahihinatnan niyo. Umalis lang bigla. Hintayin ko daw siya. Paano ko siya hihintayin sa ginagawa niyang "no contact" sa akin. Duh! May limitasyon din ang pasensya ko.

Kung hindi ko pa itatanong kay Lei Isabelle kung asan siya kung nagkita na ba sila, kung maayos lang ba lagay nila lalo na ni Daddy Sir, kung kamusta na ba si Aleyna, WALA! 1 year ng ganun ang sistema. Parang pinapamukha niyang hindi ako mahalaga sa kanya. Sinong magiging cool lang pag ganun ang ginagawa sa yo? Sa ugali pa man din nun...

Babaerong rabbit ko, isang tawag man lang diyan oh!

 

 

Leila's POV (Third person)

 

Mabuti nalang at hindi na magkaklase si Bianca Erin Ann Ryza at Tristan Dominic dahil hindi alam ni Beary kung paano niya haharapin si Dom. Hindi alam ni Beary, sinadya ni Dom na magpalipat ng section dahil ayaw niyang mailang si Beary pag nagkikita sila. Napakabait na tao ni Dom. Hindi niya minasama ang pagbasted sa kanya ni Beary although nasaktan siya dahil hindi na naman niya napagtagumpayan ang babaeng gusto niya. Sa totoo lang, humanga siya kay Beary. Dahil ayaw nitong sagutin si Dom kahit inamin niya na crush niya ito. Ayaw ni Beary na magkaroon ng "PARTNERSHIP" sa pagitan nila na wala yung "love". Ayaw niyang gawing rebound si Dom, isang bagay na mas lalong nakapagdagdag sa kagustuhan niya na maging ka-"partner" (girlfriend) si Beary. Nirerespeto niya ang naging desisyon ni Beary,  kaya siya na mismo ang umiwas. Iniisip nalang ni Dom na isa siyang deferred expense na marerealize ni Beary sa tamang panahon. 

(deferred expense= prepaid. Binayaran na bago gamitin. Example, load)

Lumipas ang mga buwan na puro pag-aaral ang inatupag ni Beary. Walang gaanong social life. Hindi na niya ganun kadalas makachat ang bestfriend niyang si Isabelle at hindi na din ganun kadalas ang paglabas niya kasama ang GIRL FRIENDS. Itinuon niya ang focus niya sa pag-aaral. Madami na kasi ang nagsabi sa kanya na pinakamahirap daw na accounting subject ang Financial Accounting na kinukuha mula second year first sem hanggang third year first sem. 18 units kasi ang FinAcc. 

Sa kabutihang palad, nakukuha naman niya ang mga principles ng FinAcc at nakakakuha ng mataas ng grado. Isang hapon habang pauwi siya sa bahay nila, may nakita siyang babae na nakasakay sa isang kotse at nakatitig sa bahay nila. Nagtaka siya pero hindi niya yun pinansin.  Inisip niya, siguro nagandahan lang sa disenyo ng bahay nila kaya tinitignan iyon. Pero naulit ulit yun ilang araw pagkatapos ng insidenteng yun. Naulit pa ng naulit hanggang sa sabihin niya na iyon sa mommy at ate niya. nababahala na kasi siya. Baka magnanakaw pala yun at bbinabantayan ang bahay nila para malaman kung kelan ang perfect timing para magnakaw. 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon