Chapter 2

5.9K 69 17
                                    

Chapter 2

Keep the distance

 Anong swerte nga naman. kasi Sa lahat ng pwedeng makita bakit siya pa?! Sa bait ng taong to.... idadaan ko nalang sa buntung hininga ang kapalaran ko. Makabalik pa kaya ako sa classroom nito? Waaaaaaah.

"Ahmm... di ba ahh... kaklase kita?" Swerte bang maituturing pag lumingon siya? Kasi lumingon siya eh. Sa susunod talaga, babasahin ko muna horoscope ko bago makipag-usap sa mga snob kunwari. Natawa ako sa naisip ko. "Pabalik ka na ba sa classroom, pwedeng makisabay? Or pakituro nalang yung daan,  hindi ko kasi matandaan yung daan..."

"Tsk. Bakit? " Ang sungit ng lolo niyo! Parang kanina lang, etsepwera ang beauty ko sa kanya eh. Ngayon naman, susungitan na ko. Hindi man lang ako binigyan ng kahit konting hint ng kabaitan sa boses. Playboy ba talaga ito? Sabihin na nating sa labas ng school lang... Maganda pa rin ako!  Natawa ulit ako sa sarili ko. Syempre baka pagkamalan akong lokaloka. Kahit na ayaw ko sa kanya, baka hindi ako makabalik sa classroom pag sinungitan ko din sya eh.

"Sasabay lang sana ako pabalik sa classroom, di ko pa kasi kabisado yung daan ee" Bait baitan epek muna ang lola niyo. Nakakapagtaka lang mula sa nakakunot noong mukha niya kanina, biglang naging smile... este smirk pala. In fairness, may itsura, pero ayoko pa rin sa kanya. Period. No erase. 

"Don't tell me, crush mo din ako? Kung gusto mo lang ako makasabay pwede mo naman sabihin e. Marami ng gumamit sa paraan na yan. Originality naman, miss. " Ay grabe! Binabawi ko na yung sinabi ko sa isip kong may itsura siya. Nadala lang pala ng buhawi na dala ng kahanginan niya. Grabe! Hindi ako makapaniwalang halos natangay pati mga mata ko. Nakakabulag ang kahanginan niya to the point na gusto ko siyang batukan ng mahimasmasan. Nag-smile ako sa kanya, yung pinakamatamis na kaya kong i-offer. May kailangan ako eh. Para sa classroom ko... Tiis ganda muna ako, pero hindi ko na kinaya nung dinagdagan niya pa ng...

"Whoah. Don't tell me inlove ka nga sa akin? Sorry miss, I don't do schoolmates let alone classmates. Pag nalang, hindi na tayo schoolmates. Ge, una na ko. " Wow. Napangisi pa siya sa sinabi niya. Eh kung isampal ko sa kanyang naliligaw ako kaya LANG ako lumapit sa kanya? I CAN'T  BELIEVE HIM. Umaapaw ang self confidence. Lunod na lunod ako eh. To think ang bait pa ng approach ko. Grabe. Lahat ba ng lumalapit sa kanya, may gusto sa kanya? IM.PO.SIB.LE!

"Ang kapal mo din e noh? Engot na kung engot pero mahina lang talaga ko sa direksyon"  Talagang nilapit ko sa mukha niya ang beautiful face ko at umirap sa pagmumukha niya sabay sabing "Tignan mo nga yang mukha mo, napakapangit Buti pa naman si Kuya Mark ko... Gwapo na humble pa di tulad mo.. Feeling gwapo na mahangin pa. Mahiya ka nga sa balat mong walang melanin" Ang sarap sa feeling ipamukha sa kanya yun. Yes. Nakapagswimming ako sa umaapaw na self confidence niya at naiangat ang sarili mula sa pagkalunod.

"Ako? Mahihiya? No need. With my face, I have nothing to be ashamed of and there's nothing left to do but accept it open arms. You have yet to experienced my witty self, but on the second thought, wag nalang pala. There are other fishes in the sea. Isa pa, you're not my type. And lastly, don't even dare compare me to any other man, I'm Nathan Cruz. That speaks it all. " Aba't kinaya ng powers niyang makipagtitigan sa akin. Sabagay, ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko habang nasa harap ng akong mahiwagang salamin... ang ganda ng mga mata ko. Siguro kung hindi ako nawindang sa sumunod na sinabi niya, nagtititigan pa rin kami.

"Now, will you please excuse me, may klase pa AKO kaya babalik na AKO sa classroom KO. Kung gusto mo talagang magpapansin, try harder. Gasgas na yang paraan mo eh. Wag mo sanang subukang sabayan ako sa pagbalik baka isipin ng mga kakilala ko pangit na ang taste ko sa mga babae ko. Kung gusto mo jan ka sa likod and please... keep the distance alright?" Ngumiti pa siya ng nakakaloko. AS IF NAMANG GUSTO KITANG MAKASABAY. DISTANCE YOUR FACE!

 "Napaka-assuming" bulong ko habang nasa likod niya at nagmake face pa. Beat that! Pero hindi ako makakapayag sa keep the distance niya. Hindi niya ako utusan noh!

"Una sa lahat, Nathan... hindi ko pinangarap maging babae mo. Ni minsan hindi ko pinagpantasyahan maattach ang napakahabang pangalan ko sa tulad LANG ng pangalan mo. Pangalawa, ang sabi ko, umpisa palang ganito na ang approach ko: 'Pabalik ka na ba sa classroom, pwedeng makisabay? Or pakituro nalang yung daan,  hindi ko kasi matandaan yung daan...' Sabi ko PWEDE BA? Oo o hindi lang sana yung hinihingi kong sagot. Ngayon kung ang sagot mo, hindi. Pwede mo namang isagot na hindi para tapos agad ang usapan. Hindi yung sasagutin mo ko ng kung ano-anong kahanginan na hindi na makakatulong sa akin para makabalik sa classroom natin." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Tss. Dito ka nga." Sabi niya sabay hila sa akin sa tabi niya. Bale, sabay na kaming naglalakad ngayon. Wag lang siyang sumubok hawakan kamay ko. Sasapakin ko naman talaga siya. 

"Nagtapat ba sayo ng undying crush niya yung babaeng kumausap sa 'yo bago kita lapitan kanina?" Pag-uumpisa ko ng usapan. Medyo awkward kasi. 

"Paki mo?" 

"Aish. Grabe. Ang sungit! Ikaw na nga kinakausap!" Siguro kung magiging katabi ko na talaga siya buong school year, puti na lahat ng buhok ko pagkatapos ng school year na to.  

"Pito hanggang sampu" 

"O? Ano yan? 7-10 steps nalang classroom na natin?" 

" An average of 7-10 girls from different ages tell me they like me every day. Yung iba, persistent. Yung iba, hindi. Merong mga maeffort, kung ano anong pakulo nila para magpapansin tulad nung ginawa mo kanina. Sorry if I yelled. T'was a move to shut you off actually. Akala ko kasi... " 

"Alam mo yung rule ng accounting? Never.Assume.Unless.Otherwise.Stated. Next time, isipin mo yun ha? Para di ka napapahiya." Ngumiti siya. Ngumiti rin ako.

"Thank you" Sabi ko nung makarating kami sa harap ng classroom namin. 

"tss" Tss, Tss! Kunwari pa! Nakangiti naman. 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon