Chapter 64
Girlfriend pa rin kita
Beary's POV
Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko kakaisip sa kung ano ang dapat kong gawin. Bukas na yun! Bukas yung recital ni Tristan, bukas yung date na sinasabi ni Nathan, bukas ako dapat gumawa ng desisyon. BUKAS NA! Gumulong ako ng isa pang beses atsaka nagtalukbong ng kumot. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Ang hirap naman nito.
Ayun nga. Nag isip ako ng nag-isip. At mas lalo akong nag-isip hanggang sa nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. Pagkagising ko kasi, nakita ko sa digital clock na 9 na ng umaga. Ibig sabihin ito ng ang araw na yun. Hayyy. Indianin ko kaya silang dalawa?
Naguguluhan ako eh.
"Napadaya talaga nitong si Bee! Di man lang ako sinalubong sa airport tapos nakahiga ka lang pala sa kama mo at nakatulala sa kisame. " Nabigla ako nung may boses na umalingawngaw sa kwarto ko. Take note, kwarto ko. Ang galing! Paano nakapasok to dito?
"Hoy Nathan! Nahiya naman akong ni hindi ko alam anong oras ang dating mo para salubungin kita sa airport. Kung makapagsalita to, kala mo boyfriend!" hindi ko napigilang sabihin sa kanya. Haynaku. Ang taong ito talaga, tsk tsk tsk.
"Ay hindi ba? Para sa akin kasi... girlfriend pa rin kita. Hindi na yata magbabago yun" Tumawa siya sa sinabi niya. Pero ramdam kong seryoso yun. At hindi ko ikakailang, ang sarap pakinggan ng sinabi niyang yun. Pero hindi, maling maramdaman ko yun... may Tristan ako.
"Alam mo, tinamaan ako dun sa quote ni Mort Walker nung isang linggong nagkahiwalay tayo..." Nakangiti siya at parang nasisiyahan sa naaalala niya. "'Seven days without laughter makes one weak' Bigla kitang naalala dun sa quote na yun." seryoso ang boses niya habang seryoso ding nakatingin ang pares ng mga mata niya sa mga mata ko. Nakakatunaw ang mga titig niya.
"Ano nanaman kinalaman ko dun?" Sinusubukan kong alisin sa mukkha ko pero natutuwa ako sa di ko malamang dahilan... parang... kinikilig ako? Hindi ko alam!
"Naisip ko kasi nung hindi tayo magkasama, ikaw yung 'laughter' ko. Ewan ko! Hindi ko maexplain. Basta... pag kasama kita, masaya ako. Tama. Ganun nga. Kapag kasama kita, buo ang kasiyahan ko... kaya sa pitong araw na hindi tayo magkasama, malungkot ako... "
"Bolero!.." sabi ko nalang sa kanya para maitago ang pagkapula ng mukha ko. Hindi ko inaasahan yun. Posible palang kiligin ka sa ibang lalaki kahit may mahal kang iba? Napailing ako sa naisip ko. Nababaliw na ata ako.
"Pagod ka lang sa biyahe. Ay nga pala... Yung date na sinasabi mo" Sira talaga tong mokong na to. Biglang nakangiti na parang wala ng bukas eh. "Nakangiti ka diyan. Ang gusto kong sabihin, sa ibang araw nalang yun ha? May pupuntahan kasi ako mamaya. " Biglang nawala yung ngiti niya.
"Okay." Walang gana niyang sagot.
Sorry, Nathan. Kailangan ko kasing ayusin o tapusin muna ang problema namin ni Tristan. Mas mahalaga ito... sa ngayon.
Palabas na siya sa kwarto nung bigla ko siyang niyakap galing sa likuran. Nakakakonsensya kasi, pinasaya niya ako nung nagmumukmok ako dahil sa pag-iinarte ko tapos ganito, babalewalain ko lang siya. Ayoko sana ng ganun. Pero ngayon, kailangan yun.
"Welcome back!" Welcome back...
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...