Chapter 27
Break na talagaTss. Kainis. Tss talaga. Hayyy. Bakit ba ako naiinis? Di naman dapat. Ee! Pero naiinis talaga ako. Hmp. Nathaan! Gaaah.
Ayoko na! Leche ka talaga Nathan kahit kailan ka. Di na ako natuto.
Walang ni isang tawag. Ni walang text. Ke comment o like sa facebook o di kaya retweet sa Twitter walang wala. How's that?! Talaga nga naman oo. Ako itong tumatry sa relasyon umeeffort kahit papano tapos siya ganyan lang?
Anong akala niya sa akin? Santa Santita na pag nagagalit, kimkim to the max lang? Magdusa siya. Hindi ko naman siya papansinin. Who you siya sa akin! Leche!
Bahala na siya sa buhay niya! I won't care anymore. Ang sarap manchopchop ng tao. Nakuuu!
"Hoy Ryza! Yung pagkain, sinusubo at nginunguya yan tapos dinadigest ng katawan, hindi yan pinanggigigilan. Selos ka lang dun sa Isabelle, pagkain na pinagbuntunan mo." Tumawa pa si Ate. Kfine. Whatever Ate.
Buti pa si mommy, pangiti ngiti lang sa seat niya. Ngumuso ako sa kanya. Hayyy. Chichismisin ako niyan mamaya.
Sinabi ko naman yubg concern ko. Mommy ko yan e. Masasabi mo ang lahat sa mommy mo ng hindi ka nadiyajudge. May kasama pang advice.
Kaya hindi ko maintindihan yung iba kaedad ko. Bakit ang hirap magsabi sa parents? Hindi naman kailangan sarilinin. Oo nga tatawanan ka ng parents mo at some point pero dahil kasi yun napagdaanan din nila and they find it amusing or sometimes worrisome na may pinagdaanan kang pinagdaanan din nila.
Hapon nung dumating si Aleyna pero siya lang talaga mag isa. MIA na naman yung isa. May shoot daw. Bakit ako Hindi tinetext? Kainis na talaga ha. Kung ayaw na niya sabihin niya. Madali akong kausap. Hiyang hiya na ako sa mukha niya.
"Aley, what if kuya and Ate bear separate again? Is it okay with you?" Ngumuso si Aleyna tsaka umiling ng umiling. "Why?" I asked, exasperated. Ayoko na kasi talaga.
"Because... Uhmmm... You are a good influence on him. Ever since you got together, he focused on you. No more other girls for him, just you. If you separate, he might go back to his old self. Aley does not want that. Never." Nakanguso pa rin siya. Ngumiwi nalang ako. Paano?
"Isabelle is a nice girl, too. In fact she's my best friend in school. If kuya and her got together, it's like having me again, just another face though. " Inupo ko soya sa high stool sa kusina para magkalevel kami.
"No. I don't want that. I won't get to see mommy and Ate Anya. How about our painting session? Or my plants in your backyard? There'll be no reason for me to c'mere. " pahina ng pahina yung boses niya. "You won't be my Ate anymore."
"We'll always be here. And you're always welcome here. Promise. " I really want a break up. Hindi na kami maayos. Ayoko na. Break na talaga to.
"You don't want my kuya anymore?" malungkot na tanong niya. Umiling ako. Nathan is still one of my comfort zones. I won't deny that.
"He doesnt like me anymore. He likes Isabelle now." No. He loves Isabelle since our younger days. I can't compete woth that. I won't compete with that.
Siya ang sumundo kay Aleyna kinagabihan. Wala akong gana tuwing kinakausap niya ako. Mostly Oo, hindi, or ok lang sagot ko sa kanya.
"May problema ba tayo?" Tanong niya sa akin nung pagkatapos namin kumain ng dinner. Tumango ako. Nagsalubong naman mga kilay niya.
"Nate, ayoko na. Sinubukan ko naman di ba? Sabi mo itry ko... Tayo. Ayun. Feeling ko di nagwork. Ayoko na." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko yun.
" You really mean that?" tumango ako sa tanong niya. Bakas sa tono ng salita niya na hindi niya gusto yung narinig niya.
"Then look at me while you're breaking up with me. Don't make it look like you don't want this break up either!" Nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Napalingon din sila mommy sa amin.
"Tss. Wag ka ng magjoke ng ganun ulit ha." Nalaman ko nalang na umiiyak ako nung patuloy siyang may pinupunasan siya sa mukha ko. Hinila niya ako para yakapin.
"Ikaw kasi!" sabi ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya. Napa-aray siya pero hindi pa rin niya ako binibitawan.
"Ikaw kaya. Sinong matutuwa dun? Miss na miss kita tapos ngayong nagkita tayo di mo ako pinapansin tapos may ayoko na ka agad. Ano bang problema?" sabi niya habang nakasilip sa akin. Kinuha niya ang dalawang braso ko tsaka pinaikot sa bewang niya. Binaba ko kamay ko pagkabitaw niya.
"Isa, bee. Hahalikan kita dito. Balik mo yan." Banta niyang sinunod ko naman. Sinapo niya sa dalawang palad niya ang mukha ko.
"Sige na. Anong problema natin? Ayoko ng break break na yan pagdating sayo." Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko kaya hindi ako nakasagot agad. Napatitig lang ako sa seryosong mukha niya. Ngumiti ako.
"Wala to. Namiss kasi kita. Tagal mong di nagparamdam! Tapos malaman laman ko kay Aleyba kinukwento mo si Isabelle kay tito. Naiinis ako sa yo!" sabi ko tsaka ako humilig sa kanya. Kainis na Nathan! Isang yakap niya lang! Damn! Am I whipped?
"Namiss mo ako? Sige nga, pakita mo" panunuya niya sa akin habang ngumunguso nguso. Pakiramdam ko napakainit ng mukha ko.
"N-nagbablush ka!" Naamaze na turan niya.
"Huwag mong ibroadcast!" Suway ko sa kanya sa tumingin kina mommy. Wala na pala kaming kasama dito sa kusina. Sinapo ulit niya ang mukha ko gamit ang mga kamay niya.
"Damn. I missed you Bee." Napapikit nalang ako nung maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Damn din! Pero namiss ko din siya. Sagad.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...