Chapter 58
One Month
Beary's POV
"Crush ka ata nung Misha!" pang aasar ko sa boyfriend ko. Andito pa siya sa bahay, ayaw niya umalis kasi mawawala siya ng 1 month. Pinapapunta siya ng parents niya sa Germany, may concert kasi sila. Nasabi ko na ba sa inyong pianist ang mommy niya tapos yung daddy niya conductor ng isang orchestra. Nasa Germany parents niya tapos umuuwi lang sa Pilipinas para bisitahin yung hacienda nila.
"Ano ba yang pinagsasabi mo. Halika nga dito. Ikaw! Di porket kasama mo ako dun sa party eh ayos lang sa akin na backless yang suot mo. Kailangang parusahan ka!" sabi niya habang papalapit ako tapos hinalikan ako nung makalapit na ako. Oo nga pala! Bawal ako magsuot ng revealing o sobrang ikli kasi may parusa ako. Yaan na! Gustung gusto ko naman yung parusa! hahahaha. "paano pala kung di mo ako kasama dun? Eh di nilapitann ka nung mga lalaki dun? O baka naman lalong magfeeling yung ex mo at ipangangalandakan niya dun gaano ka kaganda at gaano dapat magselos ang iba kasi...Argh!" sabi niya tapos ginulo ang buhok niya. Cute *u*
"kasi kami? Ikaw ha! Wag ka nga sabing magselos dun sa tao. Hindi naman kami nagkabalikan or whatsoever Di ba sabi ko sa'yo, You.Have.Nothing.To.Worry.About" depensa ko naman. Kahit kelan talaga, pag si Nathan na, seloso to. hihihihi.
"No, I should always worry. Si Bianca Yan ka, hindi ikaw yung basta bastang babae lang na madaling hanapin diyan. Paano kung mapabayaan kita saglit tapos nainip ka, paano kung maghanap ka ng iba? Paano ako? Hindi naman pwede yun. Lalo pa't nasa paligid lang yung ex mo" ssabi ni Tristan. Kilig kilig naman ako. Ayaw niyang mawala ako sa kanya. Yiiiiie. Ang sarap sarap ng feeling na maging girlfriend niya.
"ano ba yan! Wala na atang trust. Bakit kasi natin niliquidate yung TD Beary eh. Nakakapangsisi!" sabi ko sabay pout. Napagpasiyahan kasi naming i-liquidate nalang yun. Kasi sabi niya, mas maganda daw yung walang articles of co-partnership, I mean walang partnership agreement. PAra daw kasing lokohan pag ganun.
"Ayaw mo nun? Walang partnership contract at isa pa hindi artificial being yung kung anumang meron tayo. Wala ring limited life, pero syempre mutual agency, at may unlimited liability yung atin ngayon."
"ha?" ano daw? XD
"Eh di ba sa mutual agency, lahat ng transactions na ginagawa ng isang partner eh nakakaapekto sa ibang partner? Tapos sa unlimited liability, pag nalugi ang partnership, pwedeng kunin ng creditors ang personal na pag-aari ng partners? Yun. Tuwing nakikipag-usap ka sa ex mo, nagseselos ako. Mutual agency yun, ibang case nga lang. Tapos syempre, nagliquidate na yung TD Beary kaya ngayon, maniningil na ako. Lugi yung TD Beary at may loan to TD kaya kailangan natin parehong saluhin yung loss ng TD Beary. Since may utang ang partnership sa akin, ma-o-offset ang loss sa part ko at ikaw lang ang magkakaroon ng negative balance. Ngayon sinisingil kita ng pagmamahal mo. "
"Asusssss! Sige na nga. babayaran na kita. Ito muna paunang bayad ha?" sabi ko sa kanya tapos ii-smack ko lang sana pero hinawakan ako sa bewang tsaka pinatagal siya. Daya >3< Nakailan siya ngayon? XD
"Tamang trip ka ah" sabi ko nung nagbitaw na kami.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova cured my love phobia
Teen FictionTwo broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love, one is out to play with love. Nathan never wanted a serious relationship. BEARY never wanted to be...